Balita

Libu-libo ang dumagsa sa burol ni Rev. Billy Graham

-

LIBU- LIBO katao mula sa iba’t ibang antas ng buhay – kabilang ang isang dating presidente -- ang dumalaw sa burol ni Rev. Billy Graham nitong Lunes para magbigay-pugay sa lalaking pumukaw sa puso ng milyu-milyong sa kanyang mensahe ng kaligtasan sa pamamagita­n ni Jesus Christ.

Humina ang malakas na ulan dakong alas-8 ng umaga nitong Lunes ng umaga nang buksan sa publiko ang bahay na nilakhan ng sikat na evangelist, na pumanaw noong Miyerkules, sa edad na 99. Tumila ang ulan kinahapuna­n nang dumating si dating Presidente George W.

Bush kasama ang asawang si Laura. Pumila ang mga tao para makasilip sa kabaong ni Graham. Nasa pintunan ng bahay ang apo nitong si Roy, at kinakamaya­n ang bawat pumapasok para makita ang kanyang lolo sa huling pagkakatao­n.

“I just wanted to tell them how much I appreciate­d the love ve for my family,” family, ani Roy Graham.

Ililibing si Graham sa Biyernes, at sinabi ni Presidente Donald Trump na dadalo siya. Pinadalhan ng imbitasyon ang lahat ng mga dating presidente ng Amerika.

Sinabi ni Bush na pinili niyang dumalaw nitong Lunes dahil may kailangan siyang asikasuhin sa araw ng libing. Binati siya ng anak ni Graham na si Franklin at tumagal nang halos 30 kasama ang pamilya sa private viewing.

“Laura and I are honored to be able to come and pay our respects to the Graham family and, more importantl­y, to be able to say goodbye to a person who was influentia­l in our lives and influentia­l in the lives of millions,’’ ani Bush sa reporters pagkatapos ng pagdalaw.

Ipinaabot din niya ang pakikirama­y ng pamilya ng kanyang amang si George

H.W. Bush, na aniya ay matalik na kaibigan ni Graham.

“I know he wished he could come too, but he’s not moving around much these days,’’ ani Bush.

Hindi naman dadalo si dating Presidentd­e Barack Obama sa memorial services para kay Graham ngayong linggo, ayon sa kanyang opisina. Nag-tweet si Obama na si Graham, “was a humble servant who prayed for so many _ and who, with wisdom and grace, gave hope and guidance to generation­s of Americans.”

Dadalhin ang mga labi ni Graham sa Washington sa Miyerkules at sa Huwebes ay bibigyang parangal sa U.S. Capitol. Ililibing si Graham sa tabi ng kanyang asawang si Ruth, na pumanaw noong 2007, sa paanan ng crossshape­d walkway sa library ni Graham sa Charlotte.

 ??  ?? Billy
Billy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines