Travis Scott, bongga ang ‘push present’ kay Kylie Jenner
TUMATAGINTING na $ 1.4 milyon ang halaga ng ‘push present’ ni Travis Scott kay Kylie Jenner nang isilang nito ang kanilang anak na si Baby Stormi.
Ibinunyag ng 20-year-old reality star sa Instagram Stories nitong Sabado na binigyan siya ng ultra luxe black LaFerrari Ferrari ng kanyang boyfriend bilang pasasalamat sa ligtas na pagsilang ng kanilang anak nitong unang bahagi ng buwan.
Tinaguriang ‘ push presents’, ang regalo ay kadalasang ibinibigay ng partner pagkapanangak ng babae. Ang nakatatandang kapatid ni Kylie na si Kim Kardashian ay niregaluhan ng $1M Lorraine Schwartz choker ng asawang si Kanye West nang isilang ang kanilang anak na lalaking si Saint noong 2016.
Binigyan ni Travis si Kylie ng black sports car, na ayon sa ulat ay 500 lamang ang ginawa, at ipinakita ng couple ang bagong sasakyan sa kanilang lunch date nitong Sabado.
Nakasuot ng oversized Balenciaga t-shirt, black trousers at bright red coat, kumain ang bagong ina kasama ang kanyang boyfriend, inang si Kris Jenner at boyfriend nitong si
Corey Gamble sa exclusive eatery na Nobu sa Malibu.
Sabi ng isang eyewitness sa E! News: “They were there for about two hours and enjoyed each other’s company. They looked like they were happy to spend time with each other.”
Ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang new parents simula nang ibalita ng reality star ang pagsilang ng kanilang panganay.
Itinago ni Kylie ang kanyyang exciting pregnancy news sa mata ng publiko, sa kabila ng ilang buwang espekulasyon, ngunit ibinunyag din sa wakas ang pagsilang niya kay
Stormi Webster noong Pebrero 1, at nagpaskil ng diary-style video na pinamagatang To Our
Daughter kasama ang kanyang Instagram announcement makalipas ang tatlong araw.