Balita

Linis-bahay, prioridad ni Vargas sa POC

- Annie Abad

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee ( POC) president Ricky Vargas na pagtutunan ng kanyang administra­syon ang IntraNSA leadership dispute upang matuldukan ang matagal nang pagkakahat­i- hati ng mga miyembro ng Olympic body.

“We make sure na magtatraba­ho ang iba’t ibang committee ng POC tulad ng

grievance committee, artbitrati­on committee, ethics committee at iba pa. Kailangan maresolve ‘ yung mga hinaing at problema sa mga NSA na nagulo,” sambit ni Vargas.

Malugod namang tinaggap ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez ang pahayag ng bagong POC Chief na aniya’y malaki ang maitutulon­g para matuldukan na rin ang problema sa liquidatio­n ng mga NSAs.

Sinabi ni Ramirez na masaya siya sa pagkakahal­al ni Vargas bilang bagong prsidente ng POC at ngayon pa lamang ay napag usapan na nila ang ilang proyekto na gagawin ng PSC at POC para sa mga atleta at sa ikakatatag­umpay ng Philippine sports.

“We welcome the new administra­tion of the POC. We are looking forward to a new direction for the Philippine sports,” pahayag ni Ramirez. “We have discussed a lot of partnershi­ps,” aniya.

Ayon kay Vargas, masaya siya dahil pareho sila ng layunin ng PSC, ang mapabuti ang mga atleta at ng sports sa kabuuan.

“Happy to be here. We have the same mind. We have the same goal for Philippine Sports. It’s a long term partnershi­p. i have a lot of respect for Chairman ramirez,” ayon kay Vargas.

Bukod dito, ilang pribadong sektor na rin umano ang nagpahayag ng kan ilang suporta sa bagong pamunuan ng POC, gaya ng Lamoyan Corporatio­n sa pangunguna ni Cecilio Pedro, Ang San Miguel Corporatio­n, Ayala group of companies at iba pa.

Una nang nagbigay ng suporta si PLDT boss Manny Pangilinan sa POC kung saan nagbigay ito ng kabuuang P20 milyong piso bilang seed money ng kumite.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines