Balita

Juday at Ryan, honeymoon uli

- Ni NORA CALDERON

SECOND honeymoon ang magasawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, this time sa Amanpulo, Palawan.

Dumating sila roon last Tuesday para dumalo sa event ng isang brand ng relo. Nag-post agad si Juday sa Instagram pagdating nila at maraming friends nila ang natuwa, like si Iza Calzado na invited din pero hindi naka-attend.

Natawa kami sa post ng manager ni Ryan na si Noel Ferrer, “Naku, naku.. ipinaaalaa­la ko lang sa inyo @ ryan_agoncillo at @officialju­day, hindi pa sarado ang tindahan ha!!! Enjoy Aman. Sagot ni Ryan: “Shopping spree!” Si Juday: “Happy kami!” Dapat ay kasama ng mag-asawa si

Maine Mendoza na influencer din ng said product, pero hindi ito nakasama dahil nakatoka ito sa “Juan For All All For Juan” ng Eat Bulaga sa San Isidro, Nueva Ecija, at may taping siya ng EB Lenten presentati­on kahapon. Na-bash na naman si Maine ng fans na pumunta pa ng Amanpulo para lang makita siya. Marami ang nagtanong bakit hindi siya pumunta?

Later, nag- comment si Maine ng, “Cancelled taping namin bukas. SAYAAAANG (with sad emoji) Enjoy ate!”

Kinahapuna­n, may kumalat na video ni Maine na nahablot siya at nasaktan habang palabas na sila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballestero­s sa bahay ng winner ng sugod-bahay. Hindi na magkasya ang fans na makita lang ang kanilang idolo, gusto pa nilang malapitan, okey lang naman, pero huwag naman sana nilang sasaktan.

Iyon kaya ang reason kaya nag-post din si Maine ng picture niya na umiiyak at tweet na, “I always cry when I feel sick. As in iyak bata. It’s weird and funny at the same time.... is it just me??” May balita ring may fever na si Maine kinagabiha­n.

Anyway, wish namin ay nag-enjoy sina Juday at Ryan sa kanilang second honeymoon.

 ??  ??
 ??  ?? Judy Ann at Ryan
Judy Ann at Ryan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines