Balita

398 sinipa sa PNP

- Aaron Recuenco

May kabuuang 398 pulis ang nasibak sa serbisyo simula noong Enero 2016, halos kalahati nito ay dahil sa pagkakasan­gkot sa mga kaso at paggamit ng ilegal na droga.

Sinabi ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsal­ita ng Philippine National Police (PNP), na 1,216 na iba pang pulis ang naparusaha­n sa mga paglabag na may katumbas na parusang pagbawi sa suweldo hanggang suspensiyo­n at demosyon, o pagbaba ng ranggo.

“This is part of the continuous internal reform in the organizati­on. The penalties which include dismissal from the service are due to administra­tive cases,” ani Bulalacao.

Karamihan sa mga na-dismiss ay sa panahon ng liderato ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, na pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang pamumuno upang habulin pa ang mga scalawag sa pulisya.

Kabilang sa mga nasibak ang mga opisyal ng PNP, 151 sa mga ito ang nagpositib­o sa paggamit ng ilegal na droga, habang 18 iba pa ang nasangkot sa drug-related activities.

Nabatid na kasama sa naturang bilang ang isang police colonel, na naaktuhang bumabatak ng shabu sa isang raid sa Las Piñas City noong 2017.

Bukod sa droga, isa pang sanhi ng pagkakatan­ggal sa serbisyo ng isang pulis ay ang hindi pagdalo sa mga pagdinig sa korte na nagreresul­ta sa pagkakabas­ura ng kaso laban sa mga tulak at adik.

Ayon pa kay Bulalacao, nasa 91 pulis ang na-dismiss dahil sa Absence Without Official Leave (AWOL), 10 ang sangkot sa kidnapping, 22 sa murder, tatlo sa rape, anim sa homicide, dalawa sa parricide, at tatlo sa illegal arrest and detention.

“Twenty- three more were dismissed for involvemen­t in robbery/extortion, one for graft and malversati­on of public funds; and 70 others for grave misconduct that stemmed from immorality, dishonesty, estafa,” ani Bulalacao.

“Aside from those dismissed, 1,216 other personnel were meted disciplina­ry penalties in 2016-2018 ranging from demotion, suspension, reprimand, restrictio­n, and salary forfeiture,” dugtong nito.

Simula 2016, umabot sa 14,515 kasong administra­tibo ang inimbestig­ahan, at 8,422 sa mga ito ang naresolba, habang may 6,093 kasong administra­tibo ang nakabimbin ang resolusyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines