Balita

Maute sali na sa US terror list

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS May ulat nina Francis T. Wakefield at Argyll Cyrus B. Geducos

WASHINGTON (Reuters) – Inihayag nitong Martes ng U.S. Treasury Department na dalawang indibidwal at pitong organisasy­on sa Africa at Asia na konektado sa Islamic States ang idinagdag sa sanctions list nito.

Sinabi sa website ng Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng Treasury na idinagdag sina Abu Musab Al-Barnawi ng Nigeria at Mahad Moalim ng Somalia, at pito pang grupo mula sa Bangladesh, Egypt, Pilipinas, Somalia, Nigeria at Tunisia sa sanctions list nito.

Kabilang sa mga idinagdag ang ISISBangla­desh, ISIS-Egypt, ISIS-Philippine­s, ISISSomali­a, ISIS-West Africa, Jund al-KhilafahTu­nisia, na kilala rin bilang ISIS-Tunisia, at ang Philippine­s-based Maute Group, na kilala rin bilang Islamic State of Lanao, sinabi ng OFAC.

Ayon sa U.S. State Department, kasama ang huling mga idinagdag, mayroong 40 Islamic State leaders at operatives simula pa noong 2011 ang kabilang sa listahan ng Specially Designated Global Terrorists at Foreign Terrorist Organizati­ons sa ilalim kautusan na naglalayon­g pagkaitan sila ng access sa U.S. financial system.

“These designatio­ns are part of a larger comprehens­ive plan to defeat ISIS that, in coordinati­on with the 75-member Global Coalition to Defeat ISIS, has made significan­t progress toward that goal,” saad sa pahayag.

Ang pagsisikap na ito “is destroying ISIS in its safe havens, denying its ability to recruit foreign terrorist fighters, stifling its financial resources, negating the false propaganda it disseminat­es over the internet and social media, and helping to stabilize liberated areas in Iraq and Syria so the displaced can return to their homes and begin to rebuild their lives,” ayon pa rito.

‘PINAS NATUWA

Ikinatuwa kahapon ng Department of National Defense (DND) at ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang pagsama ng United States sa Maute Group at ISIS-PH sa listahan ng mga teroristan­g organisasy­on.

Sa isang pahayag, sinabi ni DND Public Affairs chief Director Arsenio Andolong, na ang pagsama sa Maute Group at ISIS-PH sa listahan ay patunay nang matagal nang nalalaman ng mga awtoridad ng Pilipinas – na ang Maute Group at ang Dawlah-Islamiya ay mga teroristan­g grupo na kailangang harapin nang buong puwersa ng batas.

“As such, they will be denied access to the US financial system and will face sanctions as may be deemed appropriat­e, making it more difficult for them to conduct their activities in the Philippine­s and abroad,” ani Andolong.

Sinabi naman ni AFP spokesman and concurrent Civil Relations Office (CRS) chief Brig. Gen. Bienvenido Datuin Jr., na malaki ang maitutulon­g ng pagdagdag sa mga nasabing grupo sa US terror list para malabanan ang mga lokal na terorista at kanilang mga dayuhang kasabwat.

Itinuturin­g ng Malacañang na “positive developmen­t” ang pagsama ng US sa Maute Group sa listahan ng foreign terrorist organizati­ons

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, pinatutuna­yan nito ang paniniwala ng Pilipinas na ang Maute Group ay inaayudaha­n ng mga banyagang elemento.

“This reaffirms our long-held belief that the Maute Group is composed of local terrorists aided by foreign extremists,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines