2 Canadian habambuhay sa droga
Habambuhay na pagkakabilanggo ang inihatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) laban sa dalawang Canadian na nakumpiskahan ng 117.34 na gramo ng shabu, cocaine at ecstacy noong 2014.
Sa 11- pahinang desisyon na ipinalabas kahapon, hinatulan ni Makati RTC Branch 63 Acting Presiding Judge Selma Palacio Alcaras ng life imprisonment sina James Clayton Riach at Ali Memar Mortazavi Shirazi, na napatunayang guilty sa pagbibitbit ng ilegal na droga na may kabuuang halaga na P100 milyon.
Bukod sa hatol, iniutos din ng korte sa dalawang Canadian na magmulta ng tig-P500,000.
Enero 7, 2014 nang nakatanggap ang National Bureau of InvestigationAnti-Organized Crimes Division (NBIAOTCD) ng mapagkakatiwalaang impormasyon na bumuo si Riach ng network upang makapagpasok ng ilegal na droga sa bansa.
Matapos matanggap ang impormasyon, nagkasa ng surveillance ang NBI sa hapon ng nasabing araw.
Sa bisa ng search warrant na bitbit ng mga pulis, dinakip sina Riach at Shirazi sa loob ng kanilang inuupahang unit sa condo sa Barangay Poblacion, Makati City, noong Enero 15, 2014.
Sa pagbasa ng sakdal, kapwa tumangging magpasok ng plea ang mga akusado.
“There was a substantial amount of dangerous drugs doubd in Unit 3803 during the implementation of the search warrant and one cannot sat that the items recovered therein were all planted,” ayon sa desisyon ng hukuman.
Napag- alaman na ang mga drogang narekober ay pansamantalang dinala sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang disposisyon nito.