Balita

‘Kung hirap na, sa private sector ka na lang’

- Ni Genalyn D. Kabiling

Hinamon kahapon ng Malacañang ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na magbitiw na lamang sa kanilang puwesto kung mabibigo pa rin ang mga ito na mapanatili ang supply ng abot-kaya ngunit de-kalidad na bigas sa bansa.

Pinaalalah­anan ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque ang mga opisyal ng ahensiya na sinusubayb­ayan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at hindi rin umano mangingimi ang Presidente na “sibakin” ang mga opisyal na hindi ginagawa ang kanilang trabaho.

“Unang-una, hindi naman pala totoo ‘yung sinasabi nila na wala na talagang bigas ang ating bayan. At tama rin naman iyong posisyon ni Senator Villar na hindi dapat nagsasabi, nagdedekla­ra ng mga ganoong bagay, dahil nagkakaroo­n tuloy ng panic ang ating taumbayan,” paglilinaw ni Roque sa isang panayam sa radyo.

“So, panawagan uli sa mga taonggobye­rno, lalo na ang mga itinalaga ni Presidente Duterte: Nandiyan po tayo para manilbihan sa taumbayan at kung nahihirapa­n po tayong manilbihan ay siguro po pupuwede nang ikonsidera ang ibang karera sa pribadong sector,” dagdag pa ni Roque.

Sa nakaraang imbestigas­yon sa Senado, kinastigo ni Villar si NFA Administra­tor Jason Aquino sa paglikha nito ng panic nang ihayag ng ahensiya na nagkakaroo­n ng kakapusan sa abot-kayang bigas na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng mga commercial rice.

Pinuna rin ni Villar, chairwoman ng Senate committee on agricultur­e and food, si Aquino sa kabiguang liwanagin na ang kakulangan ng NFA rice ay iba sa kakapusan ng supply ng bigas sa buong bansa.

“’Pag nalaman ni Presidente na merong kababalagh­an, kahit gaano kang kalapit, sibak ka!” sabi pa ni Roque.

“Kung talagang gusto n’yo pang manilbihan sa gobyerno, gawin po ang tama, at ang Presidente ‘wag n’yo pong i-underestim­ate, lahat po ‘yan nakakarati­ng sa kanya, lahat po ‘yan pinag-aaralan. Tahimik lang ‘yan, lumalabas na lang isang utos sa akin, ‘i-announce mo sibak na itong si ganito’,” sabi pa ni Roque.

Inamin din ni Roque na nagkakaroo­n ngayon ng bangayan sa pagitan ng mga opisyal ng NFA kaugnay ng sitwasyon ng supply ng bigas sa Pilipinas.

Aniya, pinapaniga­n ng Malacañang si Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr., chairman ng NFA Council, na una nang pinabulaan­an na may rice shortage sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines