Balita

Off duty na pulis na humabol, umaresto sa holdaper, pararangal­an

- Martin A. Sadongdong

Inihayag kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bibigyan nito ng parangal ang isang off-duty na operatiba ng Manila Police District ( MPD) na umaresto sa isang holdaper sa Tondo, Maynila, nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde na nagpamalas ng hindi matatawara­ng katapangan si PO2 Mel Bautista, tauhan ng MPD-Station 4 Gulod, matapos habulin at arestuhin ang hinihinala­ng holdaper na si Arnulfo Bamiscal, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng NCRPO, Pebrero 23 at sakay si PO2 Bautista sa kanyang motorsiklo angkas ang kanyang misis at anak nang mapansin ang biglang paglabas ni Bamiscal sa isang jeep na nakahinto sa Moriones, Tondo kasunod ng malakas na sigaw ng babaeng pasahero na biktima umano ng holdap.

Sinundan ni PO2 Bautista si Bamiscal na tumakbo sa madilim na eskinita at nagpalit pa ng T-shirt subalit hinabol at nasakote ito ng pulis.

Inamin ng suspek na siya ang nangholdap sa mga pasahero sa jeep, batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar.

Sinabi naman ni PO2 Bautista na nakaramdam din siya ng takot para sa kanyang pamilya subalit ang ginawa, aniya, niya ay tawag ng tungkulin bilang isang pulis.

“We would like to congratula­te PO2 Bautista after showing exemplary bravery and in recognitio­n of this, we would honor him in our flag-raising ceremony at the NCRPO headquarte­rs Camp Bagong Diwa in Taguig City,” ani Director Albayalde.

“What he did was very rare and indeed, commendabl­e, because he didn’t hesitate to run after the suspect even though he was with his family,” dugtong ng NCRPO chief.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines