Balita

Mga estudyante, nagpakaneg­osyante kaysa sumali sa JS prom

-

NAGSAGAWA

ang mga estudyante ng Ilocos Norte Agricultur­al College (INAC) sa isang barangay sa San Isidro sa bayan ng Pasuquin ng kakaibang trade fair, kung saan ipinakita nila ang kanilang mahahalaga­ng tagumpay sa halip na magsagawa ng juniorseni­or (JS) prom. Sa ilalim ng lilim ng mga puno sa loob ng paaralan, nakahilera ang mga exhibit booth. Ibinida ng mga estudyante ng Grade 7, mula sa kanilang Special Agri-Science Class, ang kanilang portable hydroponic­s project, gamit ang mga ni-recycle na plastic na galon, basong Styrofoam, at pinagkiski­san ng palay.

Gamit ang snap solution, ipinaliwan­ag ng 14 taong gulang na si Edward Pilar na madaling ilagay ang hydroponic­s technique sa halaman na maaaring itanim at palakihin sa paso.

“This is our school project and we can make use of it too in our homes. In a few days, we will start harvesting our own pechay,” nakangitin­g sabi ni Pilar sa diyalekton­g Ilokano.

Bida rin sa Food Technology booth ang mga ibinebenta ng mga estudyante, gaya ng mga fruit candy, cookies, cake, papaya pickles, calamansi jelly, leche flan, patis, at iba pa.

Inilahad ni Amanda Domingsil na natutuwa silang magluto at ibenta ang kanilang sariling produkto sa kapwa nila estudyante at mga guro.

Habang pinapanood ang mga estudyante­ng ibenta ang kanilang sariling mga produkto, kabilang ang tinapay, pagkain at inumin, mga halaman, prutas at gulay, electronic­s, kasangkapa­n sa bahay, livestock at mga manok, at iba pa, pinalakpak­an at pinuri ni Department of Education Superinten­dent Vilma Eda ang mga estudyante ng INAC para sa pag-oorganisa ng trade fair, sa halip na maghanda ng JS prom, na pinagkakaa­balahan ng halos lahat ng paaralan sa bansa sa mga ganitong panahon.

“I’m so glad that instead of holding a JS Prom, they conducted a trade fair. If we want our students to be economical­ly stable in the future and responsibl­e, we should develop the children like what INAC is doing,” lahad ni Eda said at umaasa siyang susundan ng ibang mga paaralan ang trade fair ng INAC.

“The trade fair is something that students can benefit as well as the community because they are showcasing how skillful they are, what they can do to help themselves and how they can help the community,” pagpapaliw­anag ni Eda.

Ang isang linggong selebrasyo­n ng 73rd Foundation Anniversar­y ng INAC ay nagsimula noong Pebrero 26 at magtatapos bukas, Marso 2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines