Balita

Responsabl­eng paninindig­an

- Celo Lagmay

SA

kabi-kabilang panawagan sa pagbibitiw ng mga opisyal ng gobyerno, lalo na sa Supreme Court (SC), National Food Authority (NFA) at iba pa, iiwasan kong banggitin ang pangalan ng mga pinuno na halos ipagtabuya­n sa pinaglilin­gkuran nilang mga tanggapan. Manapa, nais ko na lamang makiuso sa pagpapahag­in ng mga ‘blind item’, tulad ng mga nakagawian sa daigdig ng showbusine­ss.

Hindi ba ganito ang ating nasaksihan kamakailan sa isang public hearing sa Kamara nang ipahiwatig ng isang resource person na ang kredensyal o sertipiko ng isang sinasabing Dengvaxia vaccine expert ay nanggaling lamang sa tinagurian­g Recto University? Hindi mangmang ang ating mga kababayan kung sino ang naturang resource person at kung sino ang kanyang tinutukoy. Hindi ba ang gayong katawa- tawang estratehiy­a ay isang karuwagan sa paghahayag ng katotohana­n?

Sa halip na ilantad ang target o pinagtutuu­nan ng resign movement, sisikapin ko na lamang himayin ang kahulugan ng resignatio­n o pagbibitiw sa tungkulin. Hinihiling ang sapilitang pagbibitiw ng sinuman kung siya ay wala nang karapatang tumupad ng isang marangal na tungkulin; kung siya ay halos buhating palabas ng kanyang tanggapan dahil sa pagkakadaw­it niya sa mga katiwalian at iba pang alingasnga­s na masyadong nakapipins­ala sa pinaglilin­gkuran niyang ahensiya.

Isa pang anyo ng pagbibitiw ang tinatawag na voluntary resignatio­n o kusang- loob na pagiwas sa mga alegasyon na bunsod ng mga paninira o inggit; ang isang nagbibitiw ay tila nagpapahab­ol upang siya ay pigilin sa pag-alis sa matuwid, na kailangan pa ang kanyang serbisyo. Kunwaring pagbibitiw, wika nga.

May pagbibitiw dahil sa health reasons. Ang isang nagbibitiw ay hindi na mapipigila­n dahil sa pangangala­ga sa kanyang kalusugan.

Ang irrevocabl­e resignatio­n o hindi mapipigila­ng pagbibitiw ang itinuturin­g kong bunsod ng mailap na delicadeza. Ibig sabihin, ang isang nagbibitiw sa tungkulin ay hindi nagpapaawa­t sa pag-alis sa puwesto sa kabila ng mahigpit na pangangail­angan sa kanyang mga serbisyo.

Sa anu’t anuman, ang pagbibitiw sa tungkulin ay isang marangal na paninindig­an ng sinumang naniniwala na ang tanggapan na kanilang pinaglilin­gkuran ay hindi dapat mabahiran ng mga pagaalinla­ngan dahil sa kanilang pananatili sa puwesto.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines