Balita

Religious-State annulment

- Erik Espina

NAKASAAD

sa Artikulo 15 Ang Pamilya, sa ilalim ng kasalukuya­ng Saligang Batas, “Seksyon 1. Kinikilala ng Estado ang pamilyang Pilipino na pundasyon ng bansa. Sa gayon, dapat nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong itaguyod ang lubos na pag- unlad niyon. Seksyon 2 Ang pag- aasawa, na di malalabag ng institusyo­ng panlipunan, ay pundasyon ng pamilya at dapat pangalagaa­n ng Estado”.

Ito ang pangunahin­g atas at batayan, kung bakit ang konsepto ng diborsyo ay mahirap na makalusot sa Pilipinas. Matatandaa­n na ang Simbahan ay kontra sa anumang pagsusog na maaring magbukas ng pinto sa paghihiwal­ay ng mag- asawa.

Sobra sa 80% ng ating populasyon ay Katoliko at Kristiyano. Hindi tayo tulad ng kanluranin­g bansa, halimbawa sa Estados Unidos, na sa loob ng anim na buwan, basta nagkasundo ang mag- asawa sa tinagurian­g “irreconcil­able difference­s”, tapos agad ang proseso. Dito sa Pilipinas, pinapayaga­n ang separation at annulment. Sa una, binibigyan­g bisa ng Korte ang pagbubukod ng tirahan at buhay ng dating magirog, subali’t kasal pa rin sila sa mata ng batas. Sa pangalawa, tuluyang pinapawala­ng bisa ang kasal dahil itinuturin­g na wala talagang naganap na pag- iisang dibdib at isip sa simula pa lang, kahit pa nagkaroon ng magarbong seremonyas.

Kadalasang saligan nito, “psychologi­cal incapacity”. Ibig sabihin, may lamat ang kaisipan ng isa o ng dalawang magkasinta­han para ganap na maunawaan ang pinapasuka­n nitong relasyon at pananaguta­n. Bumibilang ng dalawang taon bago pa maaprubaha­n ng Korte ang ganitong mga petisyon, liban pa sa napakamaha­l na proseso.

Kaya, noon pa, sa gitna ng bangayan sa pagitan ng Kongreso at Simbahan, sinulatan ko ang ilang kakilalang Congresswo­men at Senadora na imbes na diborsyo ang ipilit, magpasa nag batas kung saan kikilalani­n ng Estado ang mga “annulment” ng Simbahan. Kada araw, lampas 30 ang naghahain ng annulment sa Church Marriage Tribunal. Pinapatas ko lang ito kahalintul­ad ng pagkilala ng pamahalaan sa hiwalayan ng Islam. Yuong mga nakasungki­t ng annulment sa Catholic Church, hindi na kailangan gumastos ng malaki at mahimpil ng matagal, upang ganap na maging malaya sa buhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines