Balita

Yam Concepcion, puring-puri ng mga katrabaho

- --Reggee Bonoan Yam

“ANGsungit mo sa movie, ganu’n ka ba sa personal?” Ito ang pabirong tanong namin kay Yam Concepcion nang makita namin sa labas ng SM Megamall Cinema 7 pagkatapos ng red carpet premiere night ng Amnesia Love.

“Hindi, ‘ no!” mabilis niyang sagot sa amin.

Hindi naman talaga masungit si Yam at kahit papaano ay nakilala na namin siya simula nu’ng i-launch siya ng Viva Films at ilang beses na ring na-interview sa mga presscon ng mga teleseryen­g kasama siya.

Salo nga ng Mommy Beb Concepcion ni Yam, “Mabait ‘yan, mababait naman ang dalawa kong anak, si Yam ang bunso. Wala naman akong masabi, sweet ‘yan, eh.”

Taratitat kasi ang karakter ni Yam bilang leading lady ni Paolo Ballestero­s sa Amnesia Love at naingayan kami sa totoo lang, at effortless kaya naitanong namin kung ganito siya sa totoong buhay.

Puring- puri si Yam ng mga nakakatrab­aho niya, mahilig daw magtanong kung tama o ano ang dapat niyang gawin sa mga eksenang gagawin niya.

“Maayos ‘ yung ganu’n kasi ibig sabihin, interesado, willing to learn, hindi ‘yung nagdudunun­gdunungan. At saka masunurin siya, inaaral niya ang karakter niya,” pahayag ng aktres na kasama ngayon ni Yam sa bagong serye sa ABS-CBN na pibagbibid­ahan nina Jericho Rosales, Yen Santos at Sam Milby mula sa unit ni Ruel S. Bayani.

Nababalita­an namin na mahusay makisama si Yam sa mga nakatrabah­o niya sa FPJ’s Ang Probinsyan­o, kaya nga raw inabot siya ng ilang buwan bilang guest.

Kung hindi pa nga siguro magsisimul­a ang taping ni Yam ng bagong serye sa RSB unit, baka hindi pa siya tinanggal sa FPJAP bilang leading lady ni Cardo ( Coco Martin) sa bundok.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines