Balita

Dennis Trillo, enjoy sa father role sa tunay na buhay

- Ni NORA CALDERON

MAGKASINTA­HAN sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, pero wala pa sa usapan nila ang pagpapakas­al dahil inuuna muna nila ang kanilang trabaho at investment­s. Balak nilang magsosyo sa negosyo.

Airing ngayon ang series ni Dennis na The One That Got Away ( TOTGA) samantalan­g si Jen naman ay nagsimula nang mag-taping ng The Cure with Mark

Herras at Tom Rodriguez, sa direksyon ni Mark Reyes.

Biniro namin si Dennis nang mainterbyu namin sa set ng TOTGA sa Baliwag, Bulacan kung ano ang secret na pagiging guwapo at young looking pa rin siya?

“Maingat lang po ako sa pagkain, although hindi naman ako nagda-diet,” sagot ng aktor. “Madalas delivery lang ng mga healthy food ang inoorder ko dahil nakapipili ako ng gusto kong kainin. Iyong mga food lang na bagay kay Liam, iyong character ko sa romantic-comedy namin, ang kinakain ko. At twice a week lamang ako nagwu-workout.

“Pero challenge po sa akin ang role ni Liam na may relasyon sa tatlong exgirlftie­nds niya, sina Alex ( Lovi Poe), Darcy ( Max Collins) at Zoe ( Rhian

Ramos). Malayo kasi ang character ko kay Liam, kaya I’m trying to be like him, kahit man lamang sa serye. I’m just enjoying the character of Liam plus ang makasama ang tatlo kong mahuhusay na leading ladies. Kaya lang hindi ko pa alam kung sino ba sa kanilang tatlo sa final episode.”

Tuwing weekend ay nasa kanya ang 10-year old son niyang si Calix. Very close silang mag-ama at kung wala siyang work ay siya ang naghahatid-sundo sa anak sa Xavier School. Masarap sa pakiramdam na kapag nasa kanya raw ang anak at may taping siya, kahit anong oras siya umuwi ay si Calix ang nagbubukas ng pinto, hindi natutulog hanggang hindi siya umuuwi. Nagmana ba sa kanya si Calix? “Nakakatuwa po kasi nagi-excel siya sa theater arts, mahilig po siya sa arts, pareho kami ng pag-uugali, may pagka-naughty rin siya. Kaya kung minsan na may ginawa siya, kinakausap at ini-explain ko sa kanya na mali iyon, hindi ko siya bini-baby, hindi ko basta ibinibigay ang gusto niya. Kapag nag-excel siya sa school, may premyo siya. Mahilig kaming manood ng sine, nagdyajamm­ing kami sa pagtugtog ng drums. Sinasamaha­n ko siya kung may school camping siya. Wala siyang cellphone, meron lang siyang tablet na gamit niya sa school, he’s Grade V na.”

Bukod sa taping ng TOTGA ay may pinaghahan­daan siyang pelikula na binabalak isali sa Metro Manila Film Festival sa December. Matagal na niya itong gustong at ngayon lang matutuloy.

Missed ed na rin ni Dennis ang paggawa n g project na a katambal s i Jennylyn. Kung may pagkakatao­n, aon, gusto niyang gumawa sila ng horror orror film or serye.

Napapanood panood gabigabi ang The One That Got Away after Kambal mbal Karibal.

 ??  ?? Dennis
Dennis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines