Jessa Zaragoza, may remake ng “ikakasal ka na”
MAY
exciting remake si Jessa Zaragoza ng kanyang awiting sumikat, ang masakit sa damdaming Ikakasal Ka Na, na inilunsad kamakailan sa sabay-sabay na digital worldwide release bilang unang major project niya sa Star Music.
“Nu’ng unang kong inawit ko ‘yung Ikakasal
Ka Na, parang kinanta ko lang siya kasi maganda ‘yung kanta. Pero now na kinanta ko itong bagong version, ‘binigay ko talaga ang puso’t kaluluwa ko,” kuwento ni Jessa. Binago ang areglo sa
Ikakasal Ka Na na inilunsad din ng OPM hitmaker sa MOR 101.9. Bahagi ang orihinal na bersiyon nito ng album na Ibigay
Mo Na ni Jessa noong taong 2000 mula sa komposisyon ni Alex Catedrilla. Ang Star Music audio content head na si
Jonathan Manalo ang naging producer ng bagong bersiyon. Aniya, ipinagdiriwang ni Jessa ang ika-20 anibersaryo sa industriya kasabay ng ika-30 showbiz anniversary ng asawang si Dingdong Avanzado, pagkakataon na balikan ang kanyang mga pinakasikat na kanta.
“Magandang pagkakataon para i-celebrate ang legacy nilang dalawa. Kinailangang bisitahin muli ang hits na nagpasikat sa kanila, so namili kami ng mga kanta na tumatak sa karera nila,” kuwento ni Jonathan. Dagdag pa ng mahusay na composer-executive, mararamdaman sa remake ng single ang pinaghuhugutan ni Jessa. “Makikita n’yo sa bagong version ‘yung Jessa ngayon na mas may lalim ‘ yung pagkakainterpret sa kanta.” Nagmula naman kay Paulo Zarate ang bagong areglo ng Ikakasal Ka Na, kasama sina Jerome Nuñez (violin) at Boggie Manipon (mix at mastery). Maaari nang i-download ang pinabonggang Ikakasal Ka Na sa digital stores. Bahagi rin ito ng 20/30 Commemorative Anniversary Album ni Jessa at ni Dingdong na inilunsad kamakailan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bagong handog at upcoming shows ni Jessa, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.