Balita

John suspek sa pagkamatay ni Albert sa “The Good Son”

-

PANIBAGONG palaisipan ang gugulo sa bawat gabi ng mga manonood ngayong si Anthony (John Estrada) naman ang pagbibinta­ngan sa pagkamatay ni Victor ( Albert

Martinez) sa Kapamilya primetime serye na “The Good Son.”

Nakatakdan­g mabago ang takbo ng imbestigas­yon ngayong makikitaan ng motibo si Anthony upang patayin ang sarili niyang kapatid matapos niyang ilahad sa pulis ang naging pagtatalo nila ng kanyang kuya noong araw ng kamatayan nito.

Ngunit may mas malalim pang motibo si Anthony sa pagpatay kay Victor dahil simula pagkabata, minamasama na nito ang paggabay sa kanya ng kapatid at lubos ang naging inggit dito dahil sa matagumpay niyang buhay.

Dahil nga sa pag- igting ng mga ebidensya laban sa kanya, biglang mawawala nang parang bula si Anthony na lalong magdadagda­g ng duda sa kanyang kaugnayan sa pagkamatay ng kanyang kuya.

Up a n g maabswelto naman ang anak mula sa kaso, gagamitin itong pagkakatao­n ni Olivia

(Eula Valdez) upang mapawalang-sala si Calvin ( Nash Aguas) at ibaling sa tiyo nito ang imbestigas­yon.

Si Anthony nga kaya ang tunay na pumatay kay Victor?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS- CBN. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, pumunta lamang sa fb.com/dreamscape­ph at i-follow ang @ Dreamscape­PH sa Twitter at Instagram.

 ?? John ??
John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines