Balita

Barbra Streisand, ipina-clone ang paboritong aso

- Reuters

“IF

we had the chance to do it all again, tell me would we, could we?” Ito ay isang linya sa pinasikat na awitin ni Barbra Streisand na The Way We

Were, ngunit pagdating sa pagkuha ng isa pang pet ay hindi na niya kailangan pang magtanong.

Ipina-clone ng Funny Girl singer/actress ang kanyang pinakamama­hal na 14 yearold Coton de Tulear na asong si Samantha nang mamatay ito noong 2017, at ngayon ay mayroon nang dalawang bagong tuta.

Sinabi ni Streisand sa Hollywood trade publicatio­n na Variety sa panayam na inilabas nitong Martes na ang cells ay kinuha mula sa bibig at tiyan ni Samantha.

“They have different personalit­ies,” ani Streisand. “I’m waiting for them to get older so I can see if they have her brown eyes and her seriousnes­s.”

Kuwento ni Streisand, nang dumating ang cloned dogs ay dinamitan niya ng red at lavender ang mga ito para makilala niyaq ang bawat isa, at dito na rin nanggaling ang pangalang Miss Scarlett at Miss Violet ng dalawa.

Ayon sa Oscar and Tony winning actress, 75, habang hinihintay ang pagdating ng mga aso, natuwa siya sa isa pang aso na malayong kamag-anak ni Samantha.

Ang Coton de Tulear ay may pangalang Funny Girl, ngunit nang ampunin ni Barbra ay binigyang niya ng bagong pangalan na Miss Fanny, ang tawag ng dresser ni Fanny

Brice sa karakter ni Streisand sa 1968 movie musical na naglunsad ng kanyang karera. Nanalo si Streisand ng Oscar para sa

Funny Girl, na sinundan ng Hello Dolly! na hindi niya gaanong nagustuhan.

“I thought I was totally miscast. I tried to get out of it,” sabi niya sa Variety. “I think it’s so silly. It’s so old-time musical.”

 ??  ?? Barbara
Barbara

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines