Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-84 na labas

SA

wakas, naturuan na rin ni Melanie na kumilos si Manding bilang lalaki. Ipinakita ni Manding iyon sa agresibong paghalik nito. Pero kulang pa iyon, naiisip ni Melanoe. Romansa pa more.

Ipinatong nga niya ang isang kamay niya sa kandungan ni Manding. May natukalsan siya.

“Kaya ka naman pala humihingal, Manding.” May mahinang tawa. “Aambilis mo!” “H-hindi ko n-napigilan…sorry! Kanina pa kasi…kuwan na…anon a…n-nagwawala.”

“E, ano ang ipag-so-sorry mo? Natural ‘yan di ba?” Mas pa dyan. Ihahanda talaga kita. Kailangang totohanan na!

Ilang sandaling tumutok uli ang mga mata nila sa screen ng sinehan. Alam ni Melanie, pareho lang silang namamahing­a.

“Puwede kayang halikan kita, mahal?” Mas nauna ngayon si Manding. “Bahala ka.” Nang magsimula si Manding na yakapin siya at paghahalik­an, marunong na si Manding. Marunong nang kumilos ang kamay. Na siya naman niyang gusto talagang gawin ni Manding.

Pero hindi niya pinabayaan si Manding na ito lang ang magtrabaho. Kung ano ang mga ginagawa ng kamay ni Manding sa kanya, gayon din naman ang ginagawa niya sa katawan ni Manding. “Melanie…Melanieee!” “Manding…Mandinggg!” Pareho silang wari ay galing sa malayong paglalakba­y.

Katahimika­n. Matagal. Kaytagal na kapaikpika­n.

Parehong tutok ngayon ang mga mata nila sa screen ng sinehan. Tahimik sila pareho. Pareho silang pagod na pagod. Parehong hingal na hingal.

Parang kay-ikli ng pelikula. Pareho silang nagulat nang mapansin nilang mga pangalan na ang tumatakbon­g pababa sa screen. At sa dulo ng mahaba ring roll down sa screen, nagtapos sa THE END. At nagliwanag ang kabuuan ng sinehan. “Tena, Manding.” Hindi tuminag si Manding sa pagkakaupo. Tumayo na si Melanie. “Tena…” Parang napilitang tumayo si Manding. Parang hindi matatag. Umalay siya. Madalang ang kanilang mga hakbang. Parang mabibigat ang kanilang mga paa.

“Sana’y hindi na natapos ang palabas,” bulong ni Manding.

“Nagandahan ka?” May panunukso sa boses ni Melanie.

“Ewangko. Hindi naman talaga ako nanood. Tinawanan ni Manding ang sinabi nito.

Nang nasa lobby na sila, sabi ni Melanie: “Daan muna ako sa CR.”

“Ako man,” sabi rin ni Manding.

Sa loob ng CR, naghugas ng kamay si Melanie. Nagsabon. Naiisip niya, marahil, si Manding pinakalili­nis din ang kamay.

Nang matiyak na malinis na malinis na ang kanyang kamay, humarap si Melanie sa naroong salamin. Kailangang mag-ayos siya. May mga pang-ayos naman sa buhok sa loob ng CR. Kung hindi siya ma-aayos, maraming makakapuna sa kanya. Para siyang nakipag-away. Parang nakipagsab­unutan sa kalye.

Pagkalabas ng sinehan, wala silang kibuan. Hindi ba sila makaisip ng dapat sabihin sa isa’t isa? O ginugunita pa nila ang mga nangyari sa loob ng sinehan? Pero sa loob ni Melanie: Hindi pa tapos ang misyon. Simula pa lang. kumbaga sa lutong pagkain, betsin pa lang.

Parang rebulto lang si Manding. Dahil magka-akbay sila, si Melanie ang nasusunod kung saan nila gustong magtungo. Nagtuloy sila sa restoran ng Intsik na kinainan nila kanina. Nagmiryend­a. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines