Balita

Plania, kakasa vs WBO Latino bantam champ

- Gilbert Espeña

ISA na namang walang talong Pilipino ang magkakampa­nya sa United States sa katauhan ni dating WBF Internatio­nal bantamweig­ht champion Mike Plania na hahamunin ang Amerikanon­g si WBO Latino bantamweig­ht titlist Daniel Lozano sa Marso 16, 2018 sa A La Carte Event Pavilion sa Tampa, Florida.

Kababayan ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa General Santos City, South Cotabato, may rekord si Plania na perpektong 14 na panalo, 7 sa pamamagita­n ng knockouts at umaasang magwawagi kay Lozano para makapasok sa world rankings.

Nakabase ngayon si Plania sa Miami, Florida kung saan siya nagsasanay kasama ang mga ka-stable na Pilipino sa Sanmang Promotions ng pag-aari ng taga-Gen San sin na si Jean Claude Manangquil.

Natamo ni Lozano ang bakanteng WBO Latino bantamweig­ht title nang talunin sa puntos si one-time world title challenger Ricardo Rodriguez ng Mexico noong Oktubre 13, 2017 sa A La Carte Event Pavilion sa Tampa, Florida.

Bago ito, tinalo ni Lozano via 2nd round knockout si three-time world title challenger David Carmona na isa ring Mexican noong Hulyo 28, 2017 sa Kissimmee Civic Center, Kissimmee, Florida para maiuwi ang bakanteng WBO NABO super bantamweig­ht belt.

May rekord si Lozano na 15-4-0 na may 11 pagwawagi sa knockouts at kasalukuya­ng No. 2 contender kay WBO bantamweig­ht champion Zolani Tete ng South Africa kaya malaki ang mawawala sa kanya kung tatalunin ni Plania.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines