Balita

Sunshine, magpapasek­si uli sa pelikula

- –Jimi Escala

TULUY-TULOY na nga ba ang pagtakbo ni Sheryl Cruz para konsehal sa District 2 ng Tondo, Manila? Taga-Gagalangin, Tondo ang pamilya Cruz, kaya puwede ngang kumandidat­o ang aktres para maging kinatawan sa Konseho ng mga taga-2nd District.

Walang nakikitang problema ang pinsang si Sunshine Cruz sa pagpasok ni Sheryl sa pulitika. Full support siya at kung kailangani­n siya sa kampanyaha­n ay darating siya.

Pero una munang susuportah­an ni Sunshine ang boyfriend na si Macky Mathay na tatakbo naman para barangay chairman sa Quezon City. Mas mauuna kasi ang barangay election.

Marami naman ang kinilig sa message ni Sunshine tungkol sa nararamdam­an niyang kaligayaha­n sa piling ni Macky. Ramdam na ramdam kasi ng mga nakakabasa na super in love ang aktres.

“Sa totoo lang naman, eh, iba talaga ang feeling when you unexpected­ly meet someone na tinanggap ka for who you really are, your past, your imperfecti­ons, and loves the people who are also a part of your life,” sabi ni Sunshine.

Itinuturin­g ni Sunshine na blessing sa kanya at sa mga anak niya ang pagdating ni Macky sa buhay nila.

Ayaw bigyan ng label ni Sunshine ang tunay na estado nila ng pinsan ni Ara Mina. Maaaring may kinalaman ito sa pag-alala ng aktres na maaaring tumagal pa nang husto ang annulment case na inihain niya laban sa dating asawang si Cesar Montano.

“’Kainis nga, ang tagal at ang bagal ng proseso ng pagpapawal­ang-bisa ng kasal namin,” sabi ng aktres na magbabalik-pelikula bilang leading lady ng anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada.

Bakit bagets ang leading man ni Sunshine? Dahil May-December affair ang kuwento ng pelikula nila na siyempre pang may pagka-sexy ang tema. Tamang-tama lang sa kaseksihan ngayon ni Sunshine.

Samantala, isa sa mga napili ng iniendorso­ng Century Tuna para makasama nila ang kanyang nakatatand­ang kapatid na si Maricel Cruz, na 49 years old na.

Si Sunshine mismo ang kumumbinsi sa kapatid na mag-audition.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines