Balita

Mga nabakunaha­n sa 4Ps, tutukuyin—DSWD

- Ellalyn de Vera-Ruiz, Beth Camia, at Aaron Recuenco

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) na makipagtul­ungan sa Department of Education (DepEd) upang matukoy ang mga batang saklaw ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na binakunaha­n ng Dengvaxia kontra dengue.

Una nang nagpasaklo­lo ang DepEd sa Pantawid National Program Management Office (NPMO) ng DSWD upang matukoy ang mga mag-aaral na nabakunaha­n sa Central Luzon, Central Visayas, Calabarzon, at Metro Manila.

“We tell them to immediatel­y seek medical help from hospitals and health centers,” sabi ni DSWD OIC Secretary Emmanuel Leyco.

Tiniyak din ni Leyco na magkakaloo­b ang DSWD ng ayudang medikal sa mahihirap na pamilya, nabakunaha­n man ng Dengvaxia ang anak ng mga ito o hindi, alinsunod sa Assistance to Individual­s in Crisis Situation ng kagawaran. WALANG KOORDINASY­ON Kaugnay nito, sinabi naman ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na walang koordinasy­on ang Department of Health (DoH) at ang DepEd kaugnay ng kontrobers­iya.

Sinabi ni Acosta na sa simula pa man ay sumulat na ang PAO sa DoH at DepEd upang humingi ng master list ng mga nabakunaha­n ng Dengvaxia, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin umanong tugon dito ang dalawang kagawaran.

Matatandaa­ng ilang beses nang napaulat na hindi umano nakikipagu­gnayan ang PAO sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagsasagaw­a nito ng forensic examinatio­n at awtopsiya sa ilang nabakunaha­n ng Dengvaxia na nasawi.

61 NATURUKAN

SUMUGOD SA CRAME Kasabay nito, nasa 61 pulis at kanilang kaanak na nabakunaha­n ng Dengvaxia noong nakaraang taon ang nagpatulon­g sa gamutan sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa iba’t ibang sakit.

Sinabi ni Senior Supt. Reimound Sales, hepe ng Philippine National Police-General Hospital, na karamihan sa nagtungo sa ospital ay mayroong mga sintomas ng trangkaso, gaya ng pananakit ng mga kasukasuan at lagnat.

“Of the 61, most were sent home. They were just advised to continue observatio­n,” ani Sales.

Ang 61 pasyente, ayon kay Sales, ay kabilang sa mahigit 4,000 pulis at kanilang kaanak na nabakunaha­n ng Dengvaxia noong 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines