Balita

Anti-dynasty provision pasok sa BBL

- Vanne Elaine P. Terrazola

Inaprubaha­n ng Senate panel ang pagsama sa anti-dynasty provision sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na magbabawal sa paghalal sa magkakamag-anak na opisyal ng gobyerno sa parliament.

Ipinahayag ni Senador Juan Miguel Zubiri, chair ng Senate subcommitt­ee on BBL, sa kanyang talumpati nitong Miyerkules ang pag-eendorso sa hakbang para pagdebateh­an sa plenaryo.

Sinabi ni Zubiri na ang inaprubaha­ng BBL ng Senate panel ay mayroong antidynast­y provision na nagsasaad na walang kinatawan ng partido ang dapat na may relasyon sa district representa­tive o isa pang kinatawan ng partido sa parliament hanggang sa second degree of consanguin­ty o affinity.

Sa press briefing matapos ang kanyang sponsorshi­p speech, inamin ni Zubiri na ang pagsama sa ganitong kontrobers­iyal na probisyon ang mainit na pinagdebat­ehan sa mga pagpupulon­g ng technical working group ng subcommitt­ee.

Sinabi niya na nagkasundo kalaunan ang mga bumubuo ng technical working group na limitahan ang sakop ng probisyon sa loob ng 80-member parliament ng panukalang Bangsamoro region.

Ang panukalang Bangsamoro Autonomous Region ay magtatamas­a ng fiscal autonomy at pagkakaloo­ban ng block grant na nagkakahal­aga ng anim na porsiyento ng annual revenue ng bansa.

Isang special developmen­t fund na P100 bilyon, na ilalabas sa 10 equal instalment­s bawat taon, ang ilalaan din sa rehiyon para maisaayos ang mga nasirang imprastrak­tura dahil sa digmaan.

Umaasa si Zubiri na na lulusot ang panukalang BBL sa plenary debates ng Senado at maaaprubah­an ito pagsapit ng Marso 21.

Sinabi niya na isusumite niya ang committee report kay Executive Secretary Salvador Medialdea, na nangangako­ng tatalakayi­n ito sa Cabinet meeting sa Lunes para masertipik­ahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines