Balita

Bgy. official at misis tinambanga­n

- Mary Ann Santiago

Away sa lupa ang sinisilip na motibo sa pananamban­g sa isang barangay official at sa misis nito, habang sugatan naman ang kanilang anak, sa Antipolo City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Domingo Mamaril, 53, barangay administra­tor; Maribel Mamaril, 53, guro; sugatan naman si Sharmane Joy Mamaril, 21, guro, pawang ng Sitio Biong, Barangay San Luis, Antipolo City.

Nagsitakas naman ang hindi pa nakikilala­ng mga suspek.

Sa ulat ng Antipolo City Police, naganap ang pananamban­g sa Manuel L. Quezon Circumfere­ntial Road sa Bgy. San Roque, bandang 5:40 ng hapon.

Sakay ang pamilya sa berdeng Ford Escape ( XMS 759) nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabar­il si Domingo, na siyang nagmamaneh­o ng sasakyan, gayundin si Maribel.

Dahil sugatan, nawalan ng kontrol si Domingo sa sasakyan at nabangga niya ang iba pang sasakyan na kinabibila­ngan ng isang Honda motorcycle, na minamaneho ni Jovito de Leon, at ikinasugat ng angkas niyang si Ruben Domaoan, Jr., 27; at isang Toyota Innova (VU- 9526) na minamaneho ni Rodel Bong Cabanal, 26.

Nadamay din ang isang company bus ( UVR- 674) na nakarehist­ro sa NSP Transporta­tion Services at minamaneho naman ni Randy Astronomo.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa away sa lupa ang motibo sa pagpatay matapos lumitaw sa imbestigas­yon na bilang barangay administra­tor, si Domingo ang naatasang maningil ng monthly dues sa mga lupang inuupahan ng mga residente sa kanilang barangay.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines