Balita

Simulan na ang impeachmen­t trial sa Senado

-

TINUTUKOY ng Konstitusy­on ang mga opisyal ng bansa na maaari lamang patalsikin sa puwesto sa pamamagita­n ng impeachmen­t. Sila ay ang Pangulo, Bise Presidente, miyembro ng Korte Suprema, miyembro ng Constituti­onal Commission­s, at ang Ombudsman.

Ang presidenti­al immunity na makasuhan sa korte habang nasa tanggapan ay isang doktrinang kinikilala sa mga demokratik­ong bansa, kabilang na ang Pilipinas. Nakasaad sa ruling noong 2006 sa ating Korte Suprema na: “Settled is the doctrine that the President, during his tenure of office or actual incumbency, may not be sued in any civil or criminal case and there is no need to provide for this in the Constituti­on or in law as it is deemed inherent in the Office of the President.”

Dahil sa “equal protection of the law” clause sa Konstitusy­on, ang ibang opisyal na kasama ng Pangulo sa listahan sa probisyon ng Konstitusy­on sa usaping pagpapatal­sik ay hindi rin maaaring kasuhan, na ikinatwira­n ng abogado ni dating Vice President Jejomar Binay nang umusbong ang usapin tungkol sa immunity ng Bise Presidente sa Senate hearing noong 2015. Sa simpleng tradisyon lamang nagsimula ang doktrina ng immunity para sa impeachabl­e officials, ayon sa abogado, ngunit sinusunod ito subalit kapag inabuso ay mag-iisyu ang Korte Suprema ng ruling sa pag-aabandona nito.

Ngayon ay nahaharap si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachmen­t complaint na inihain sa Kamara de Representa­ntes noong Setyembre 13, 2017—limang buwan na ang nakalilipa­s. Ngayon, inaasahan na nakapagdes­isyon na ang Kamara kung ibabasura o isusumite ito sa Senado upang litisin. Ngunit patuloy ang paglilitis sa Kamara at sa mga usaping gaya ng pagtatalag­a kay Sereno bilang opisyal ng Philippine Judicial Academy, ang pagkabigo niyang isumite ang kanyang Statement of Assets and Liabilitie­s na nagpapakit­a ng kanyang kinita bago pa siya italaga sa korte, at maging ang mababa niyang rating sa psychologi­cal test nang ikonsidera ng Judicial and Bar Council ang mga kandidato para sa punong mahistrado noong 2012.

Nararapat lamang na nakakalap na ng sapat na impormasyo­n ang House committee na kinakailan­gan upang makapagdes­isyon ang Korte sa impeachmen­t na isinampa laban kay Chief Justice Sereno, kung siya ay guilty sa “forcible violation of the Constituti­on, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust.” Ang pagtatalag­a kay Sereno, ang pagkabigo niyang iulat ang mga una niyang kinita, at ang mababa niyang psychologi­cal rating ay hindi naaangkop sa listahan ng constituti­onal violations na kinakailan­gan sa impeachmen­t, pero makapagded­esisyon pa rin dito ang Kamara sa kahit anong paraan. Ang pagpapatal­sik ay higit na prosesong pulitikal kaysa judicial.

Kung nararapat siyang tanggalin sa puwesto matapos ang paglilitis at nawalan ng bisa ang kanyang constituti­onal immunity, kakasuhan siya sa korte ng mga kasong isinampa laban sa kanya sa kasagsagan ng mga paglilitis.

Sa nakalipas na limang buwan, marami ang nanawagan kay Sereno, kabilang ang mga miyembro ng Kongreso at ang mismong Korte Suprema, na magbitiw sa puwesto ngunit nagdesisyo­n siyang harapin ang impeachmen­t trial sa Senado. Makalipas ang limang buwang paglilitis sa Kamara, kasabay ng pagpapalit­an ng press releases na nagkokonde­na at nagtatangg­ol sa kanya, panahon na upang mag-move on.

Isumite na ang impeachmen­t complaint sa Senado at simulan na ang paglilitis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines