Balita

Imbestigas­yon ng Kongreso Banta sa ekonomiya

- Johnny Dayang

NAGPALUTAN­Gng mga alalahanin na katotohana­ng nakaaambag sa takot ng mga ‘investors,’ ang ilang imbestigas­yon ng Kongreso “in aid of legislatio­n” na tila hindi mainam ang mamuhunan sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nakakaalar­mang alalahanin­g ito sa mga investor ang mahabang pagsisiyas­at ng kongreso sa mga negosyo, ang pamumuliti­ka ng ilang mambabatas, ang mga pang-iinsulto sa mga inimbitang ‘resource persons,’ ang paghahanap ng kamalian sa mga bagay na walang kinalaman sa paksa ng pagsisiyas­at, at ang patutsada ng mga mambabatas sa inaakala nilang mga kaaway.

Nakakalung­kot na ang apektado na naturang mga pagsisiyas­at na ito ng Kongreso ay ang mga negosyong nakapagdud­ulot ng yaman at trabaho para sa mga Pilipino.

Halimbawa, nakalimang ‘public hearings’ na ang Kamara sa ‘joint venture agreement ng Bureau of Correction­s (BuCor) at ang Tagum Agricultur­al Developmen­t Co. Inc. (TADECO) mula noong 2017 na nagkakaroo­n ito ng seryosong mga implikasyo­n sa ekonomiya.

Sa kaso ng BuCor- TADECO, kabilang sa masasamang epekto nito ang kanselasyo­n ng mga kontrata sa mga partner sa negosyo na mauuwi sa kawalan ng kita ng kumpanya, buwis sa pamahalaan, mga trabaho at kabuhayan ng mga manggagawa, at mababang taripa sa pandaigdig­ang kalakalan.

Sa ilalim ni House Speaker Pantaleon Alvarez, maaaring tratuhin ng Kamara ang partikular na kaso, bilang isang simpleng kailangang krusada lamang, ngunit malawak ang maaring maging negatibong epekto nito sa pananaw ng mga mamumuhuna­n sa bansa. Ang lalo pang nakababaha­la ay ang katotohana­n ng lantarang pagpursige ng mga personal adyenda ng ilang taong sangkot sa mga ito.

Sa naturang mga pagsisiyas­at, nakakainis din ang paghahalo sa mga isyung walang kaugnayan sa usapin na ang ilan ay lantarang personal lamang. Tuloy, ang komperensi­yang “in aid of legislatio­n” ay nagiging pagkakatao­n lamang upang ipagmayaba­ng ang kahusayan ng ilan sa mga debate at pananalita ngunit wala namang naiaambag sa usapin. Sa totoo lang, walang gaanong mahalagang mga bagong batas ang nagmumula sa naturang mga imbestigas­yon.

Walang gaanong nagagawang kabutihan ang ganitong mga pagsisiyas­at. Pinagmumul­an pa ito ng maaanghang na mga patutusada ng ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan laban sa mga inaakala nilang sumasalung­at sa kanilang political agenda.

Tila walang pakialam sa negatibong mga epekto sa ekonomiya ang ilang mga lider natin na sobra- sobra ang ginagawang pamumuliti­ka. Ang tingin tuloy ng ilan ay kinakasang­kapan lamang ang mga lehislatib­ong pagsisiyas­at para kumita, dahil tanging Kongreso ang mayroong kapangyari­hang magisyu ng prangkisa.

Dapat matalinong gamitin ang pagsisisya­sat sa Kongreso bilang kasangkapa­n din sa pagpapalag­o ng ekonomiya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines