Balita

Zamboanga del Norte wagi sa Special Weapons and Tactics team challenge

-

NAGKAMPEON ang Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Zamboanga del Norte Provincial Mobile Company (ZDNPMC) sa katatapos lamang na 1st Police Regional Office-9 (PRO-9) SWAT Challenge.

Ipinahayag ni Chief Insp. Helen Galvez, informatio­n officer ng PRO-9, na nitong Martes ay nakakuha ang ZDNPMC ng 1,650 statistica­l points sa five-stage course ng sunog, sa dalawang araw na kompetisyo­n.

Ang ZDNPMC ay binubuo nina Senior Insp. Gregorio Joel Bungulan, SPO1 Ernesto Bulajao Jr., PO3 Kitch Ivan Gesulga, PO2 Dino Latawan, PO2 Armand Moncida, PO2 Jose Alfred Bait-it, PO2 Carl Edward Panoril, PO1 Dover Troy Aleta, PO1 Eric Panangitan, at PO1 Mark Medard Balingit.

Ayon kay Galvez, ang five-stage course ng sunog ay ang Basic, Close Quarter Battle, Bus Assault, Obstacle, at Pistol.

Lumahok din ang iba pang grupo: Zamboanga Del Sur Provincial Mobile Company, ikalawang puwesto; Zamboanga City Mobile Force Company, ikatlong puwesto; Regional Mobile Forces Battalion, ikaapat na puwesto; Dipolog City Police Station, ikalimang puwesto; at, Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Company, ikaanim na puwesto.

Aniya, ang dalawang araw na kumpetisyo­n ay ginanap noong Pebrero 24-25 sa Execom Shooting Range at Regional Mobile Forces Company Firing Range sa Camp Col. Romeo Abendan sa Zamboanga.

Ang dalawang araw na SWAT shooting competitio­n ay pinangasiw­aan ng Philippine National Police (PNP) Match Officers, sa patnubay ng Philippine Shooters and Match Officers Confederat­ion (PSMOC).

Samantala, binanggit din ni Galvez na ang ZDNPMC, bilang kampeon, ang naging kinatawan ng PRO-9 sa ginanap na Chief PNP National SWAT Challenge sa Maa, Davao City na nagsimula kahapon, Marso 1, at magtatapos bukas, Biyernes, Marso 3.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines