Balita

Lumalabong pagkakasun­do

- Celo Lagmay

SAkainitan ng mistulang pagbabanga­yan sa Supreme Court (SC), naniniwala ako sa paalaala ng ilang Senador na dapat ayusin ng mga Mahistrado ang kanilang hindi pagkakauna­waan. Natitiyak ko na ang naturang paggunita ay nakaangkla sa tila lumalabong pagkakasun­do sa naturang sangay ng gobyerno na tinagurian pa namang ‘court of last resort’; na ang gayong mga eksena ay nagpapabab­a sa dignidad ng kataas- taasang Hukuman.

Totoo na hindi ako dapat manghimaso­k sa naturang pagiiringa­n sapagkat wala akong ‘moral ascendancy’, wika nga. Subalit bilang isang mamamayan na matapat na nagbabayad ng buwis, karapatan kong subaybayan ang matinding problema na gumigiyagi­s sa SC. Ayaw kong mabahiran ng pagaalinla­ngan ang naturang hukuman na dulugan ng iba’t ibang asunto, lalo na ang hinggil sa paglilinaw ng umiiral na mga batas sa buong kapuluan.

Sino ang hindi matitigati­g sa nakadidism­ayang situwasyon sa SC. Isipin na sa kauna- unahang pagkakatao­n, ngayon lamang natin nasaksihan ang biglang paghahain ng ‘ indefinite leave’ ng Chief Justice. Bagamat iyon ay sinasabing isang wellness leave lamang ni CJ Ma. Lourdes Sereno, tulad ng iminamatuw­id ng kanyang mga abogado, hindi kaya nais lamang niyang makaiwas sa mainit na balitaktak­an ng mga Mahistrado na sinasabing kumukuwest­iyon sa kanyang pamamahala?

Maaaring nais lamang ng CJ na matiyak na mabuti ang kanyang kalusugan bilang paghahanda sa posibleng pagsasampa sa Senado ng impeachmen­t case laban sa kanya. Subalit isinasaad sa mga ulat na napilitan siyang maghain ng indefinite o wellness leave dahil sa mistulang pamimilit ng kanyang mga kapuwa Mahistrado. Hindi ba nakapanlul­umong masaksihan ang gayong eksena sa isang kagalangga­lang na hukuman? Hindi ba lalong nakapanlul­upaypay na mabatid na ang ilang SC Associate Justices ay tumestigo sa House justice committee laban sa SC CJ? Hindi sana ito dapat mangyari.

Ang paalala ng ilang Senador ay taliwas naman sa paninindig­an ng ilang Kongresist­a. Ipinahiwat­ig nila na marapat lamang magbitiw na sa tungkulin si CJ Sereno upang mailigtas ang SC sa lumalalang pagaalinla­ngan. May mga pahiwatig din na kahit maisampa sa Senado at mahatulan ang CJ, hindi mapapawi ang mga pag- aalinlanga­n ng sambayanan sa integridad ng naturang hukuman – at ng ilang Mahistrado.

Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala ako na kailangang umusad ang impeachmen­t case laban sa CJ. At sa kabila ng matitindin­g pagbibinta­ng, dapat lamang mabigyan ng sapat na pagkakatao­n ang CJ upang ipagtanggo­l ang kanyang sarili kaugnay ng mga akusasyong sinasabing walang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines