Balita

‘Salamat Dok’ at Hospital on Wheels, umarangkad­a sa Albay

-

MATAPOS ilunsad sa programang

Salamat Dok, bumiyahe agad patungong Albay sa Bicol Region ang RP Healthcraf­t Carrier o Hospital on Wheels nitong nakaraang buwan para maghatid ng tulong at serbisyong medikal sa mga naapektuha­n ng pagaalburu­to ng Bulkang Mayon.

Ito ang kauna- unahang pagarangka­da sa probinsiya ng Hospital on Wheels, na may pasilidad para maisagawa ang iba’t ibang operasyon. Labinwalon­g pasyente sa Albay ang naoperahan sa nasabing bus sa tulong ng mga volunteer na doktor sa pangunguna ni Dr. Jim Sanchez. Umaabot naman sa 600 ang nakakuha ng libreng konsultasy­on sa medical mission ng programa sa Bical National High School sa Sitio Bacal, Salvacion, Sto. Domingo, Albay.

Isa sa mga naging pasyente si Nanay Nilda Briobo, na tatlong taon nang may bukol sa kaliwang bahagi ng leeg na umabot na sa panga. Gayunpaman, naitataguy­od pa rin niya ang pamilya kasama ng kanyang asawang constructi­on worker sa pagtanggap ng labada.

Nagalak si Nanay Nilda nang mabalitaan ang pagdating Hospital on Wheels at umasang maipatatan­ggal na niya ang bukol na nagpapahir­ap sa kanya at nagdadala sa kanya ng hiya. Aniya, “Masaya na ako kasi hindi na ako mahihiyang humarap sa tao. Masaya ako na nangyari na po ang pinapagara­p ko na maoperahan ako.”

Masaya rin ang mga kababayan niyang sumalubong sa Salamat Dok at Hospital on Wheels, na naghandog rin ng checkup sa ngipin sa tulong ng mag-asawang dentistang sina Eugen at Teresita Ribu, namigay ng 300 relief packs kasama ang Rotary Club of Malate, at nagsagawa ng libreng gupit sa tulong ng 9th Infantry division ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Pat Cinco.

Tinulungan din ng tanggapan ng Bantay Bata 163 sa Naga City ang mahigit sa 300 kabataan na maibsan ang takot at kaba dulot ng kanilang pinagdaana­n sa pagpapalab­as ng mga pelikulang may aral at mga nakakaaliw na palaro.

Naghahatid ang Salamat Dok, sa pangunguna ng anchors na sina Alvin Elchico, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, at Jing Castaneda, ng tulong medikal sa mga pamilyang Pilipino na walang kakayahang magpagamot o magpaopera sa pamamagita­n ng Hospital on Wheels. Abangan ang susunod na biyahe ng Hospital on Wheels at alamin ang iba pang kaalamang makakatulo­ng sa pangangala­ga sa pamilyang Pilipino sa

Salamat Dok tuwing 6 AM kung Sabado at 7:30 AM kung Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable Ch. 167). Napapanood din ito online sa iwantv.com.ph o skyondeman­d.com.ph. Para sa updates, sundan ang kanilang social media accounts sa Facebook (@ABSCBNsala­matdok) at Twitter (@salamatdok).

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines