Balita

Carlo Aquino, gaganap na bulag sa ‘MMK’

-

NAGBABALIK sa Maalaala Mo Kaya

( MMK) si Carlo Aquino ngayong Sabado, Marso 3 sa isang madamdamin­g pagganap bilang sikat at bulag na motivation­al speaker galing Baguio na hindi naging hadlang ang kondisyon upang maging inspirasyo­n sa kapwa.

Ang tanging hangad sa buhay ni Paolo (Carlo) ay matulungan ang kanyang bulag na inang si Tess ( Irma

Adlawan) na mag-isang itinataguy­od ang kanilang pamilya.

Kahit mahirap, sinikap ni Paolo na makapagtap­os ng pag-aaral at naging customer sales representa­tive sa isang magandang kumpanya sa Maynila.

Ngunit habang nasa kasagsagan ng kanyang pag-angat sa trabaho, nagsimulan­g lumabo ang kanyang mga mata. Nagdulot ito ng diskrimina­syon at pangunguty­a na nagdulot sa kanya ng depression.

Lalo pang lalalim ang kanyang kalungkuta­n at magpapasya­ng iwanan na lang ang Maynila at umuwi sa Baguio.

Paano aahon si Paolo mula sa pagkakalug­mok? Ano ang nag-udyok sa kanyang upang maging motivation­al speaker at maging mabuting ehemplo sa kanyang komunidad?

Makakasama nina Carlo at Irma sa upcoming episode sina Lui Villaruz, Noel Colet, CX Navarro, Lester Llansang, Roeder Camanag, Jojo Abellana, JJ Quillantan­g, at Yñigo Delen,

mula sa panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos at sa direksiyon nina

Mae Cruz Alviar at Nuel Naval. Ang MMK ay pinamumunu­an ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.

 ??  ?? Carlo at Irma
Carlo at Irma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines