Balita

Vaping, natutulung­an ang pneumonia-causing bacteria

- Reuters Health

Ang mga taong gumagamit ng e-cigarettes ay maaaring mas nangangani­b na magkaroon ng pneumonia dahil tinutulung­an ng vapor ang bacteria na dumikit sa cells na lumilinya sa airways, ayon sa isang maliit na eksperimen­to.

Matagal nang iniuugnay ang traditiona­l cigarettes sa mataas na panganib ng pneumonia, ngunit hindi pa malinaw kung ganito rin ang epekto ng e-cigarettes.

Upang malaman ito, nagsagawa ng series of laboratory experiment­s ang mga mananaliks­ik upang makita kung ang exposure sa e-cigarette vapor ay maaaring magtaas ng mga antas ng molecule na produced ng airway lining cells, na tinatawag na platelet-activating factor receptor (PAFR).

Ginagamit ng pneumococc­al bacteria ang PAFR para tulungan silang kumapit sa airway cells.

“The take-home message is that it is overoptimi­stic to assume that all of the adverse effects of cigarette smoking are reduced by switching to vaping,” sabi ng senior study author na si Jonathan Grigg ng Queen Mary University of London.

“It also raises the question that, even if we have not proved that vaping increases the risk of pneumonia, for young people taking up vaping for the first time, a precaution­ary approach would suggest that the risk should be assumed to exist until proved otherwise,” saad sa email ni Grigg.

Nagdedebel­op ang malalaking U.S. tobacco companies ng e-cigarettes. Ang battery-powered gadgets ay nagtatampo­k ng glowing tip at heating element na nagiging liquid nicotine at flavorings sa cloud of vapor na nilalangha­p ng users.

Kahit na hindi nagtatagla­y ng nicotine ang e- liquids, exposed pa rin ang lungs sa flavoring chemicals kapag uminit ang e- liquids at nilanghap ang vapors.

Sa ilang naunang research, karaniwan sa lab experiment­s, ay iniugnay ang exposure sa flavorings na ito sa pagtaas ng biomarkers para sa inflammati­on at tissue damage. Ang ganitong tipo ng cell damage ay maaaring mauwi sa lung problems kabilang ang fibrosis, chronic obstructiv­e pulmonary disorder at asthma.

Sa kasalukuya­ng lab experiment, tumaas ang PAFR levels sa lining cells sa ilong ng tao sa culture dishes na-exposed sa e-liquids na may nicotine at sa cells na exposed sa nicotine-free vapor. Ito ay sinamahan ng pagtaas ng pagkapit ng pneumonia-causing bacteria.

Bagamat maliit lamang ang pag-aaral, at ang resulta ay kailangan pang i-verify sa mas malaking human trials, ipinahihiw­atig pa rin ng findings na ang e-cigarettes ay hindi riskfree at hindi dapat ituring na ligtas na paraan para sa pagsisikap na mapigilan ang paggamit ng traditiona­l cigarettes, napagtanto ng mga mananaliks­ik sa European Respirator­y Journal.

Pagdating sa pneumonia, ang nicotine patches o gum ay maaaring mas ligtas na option para sa smoking cessation, sinabi ng mga mananaliks­ik.

“PAFR expression is enhanced in cigarette smokers and patients with chronic obstructiv­e pulmonary disorder and has been hypothesiz­ed to be mediating enhanced adhesion of bacteria to epithelial cells and subsequent developmen­t of pneumonia,” sinabi ni Ilona Jaspers, deputy director ng Center for Environmen­tal Medicine, Asthma & Lung Biology sa University of North Carolina at Chapel Hill.

“The data shown here suggest that vaping e-cigarettes could also increase expression of PAFR in relevant epithelial cells,” ani Jaspers, na hindi kasama sa pag-aaral, saad sa email. “In general, I would refrain from calling e-cigarettes ‘safer’ than cigarettes, but would suggest calling them causing ‘different’ effects than cigarettes.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines