Balita

PAGDILA SA APAOY

- NI LEONARDO T.BULURAN

Ika-85 labas

HABANG nagmimirye­nda sila ni Manding sa restoran ng Intsik, nasa isip ni Melanie: Naihanda na niya si Manding sa susunod nilang gagawin. “Uuwi na ba tayo, mahal?” si Manding ang nagtanong nang palabas na sila ng restoran. Gago! Kung uuwi tayo, paano na’ng plano ko? “Gusto mo nang umuwi?” Bigla ang sagot ni Manding. “Aba, hindi…hindi. Kahit nga hindi tayo umuwi. Pinaghanda­an ko talaga ang lakad na ito.”

Good. Very good! Ibig sabihin, handa si Manding sa lahat ng bagay. Tiyak na lalong handa ito sa panggastos.

“E, saan mo naman gustong pumunta tayo?” Pinalambin­g ni Melanie ang boses niya.

“P-pagod pa yata ako, mahal. P’pwede kayang pumunta tayo sa kuwan… sa a-ano…h’wag kang magagalit, ha?” “Saan mo gusto. Sabihin mo.” “Sa kuwan…sa ano…” Ibinulong sa kanya kung saan talaga.

Hindi siya kumibo. Kung hindi sinabi kung saan, baka kaladkarin niya ito doon.

“G-galit ka, m-mahal? Kung g-galit ka…h’wag na lang.”

Sa halip sumagot, kinawayan ni Melanie ang isang palapit na traysikel, nauna siyang sumakay. Sumunod si Manding.

Nagtanong ang driver ng traysikel: “Saan po tayo?”

Siniko ni Melanie si Manding. “Sabihin mo, ano ba?”

Hindi yata kayang sabihin ni Manding sa driver sa kung saan sila pupuunta. Nanatili kasing hindi ito kumikibo.

Mapailing-iling na lang si Melanie. May lalaki rin palang higit pa yata sa babae ang katorpehan lalo’t may kinalaman sa pag-ibig.

Nang matagal na hindi kumibo si Manding, ang driver ang nagsalita: “Biglang liko ba tayo, Miss?”

Hindi naman nagsalita si Melanie. Umungol lang. na marahil ay nauwaan naman ng driver. Sa bayang iyon ay wala pang taksi. Traysikel lang ang maaarkila.

Kahit walang sinabi si Melanie, tuloy ang andar ng traysikel. At biglang pumasok sa isang compound.

Naroon na sila sa pribadong silid. Wala pa ring kibo si Manding. Para na naman itong rebulto, sunod lang nang sunod sa kanya. Kung batukan kaya niya ang gunggong na ire?

“Maligo muna tayo,” aniya.

Hindi kumibo si Manding.

“Gusto mong sumabay sa akin?” Hindi uli kumibo. “Kung ayaw mo, uuna na ako.”

Wala uling sagot mula kay Manding.

Naghubad siya. Inihagis niya ang kanyang mga damit sa naroong kama. Wala siyang itinira kundi mga underwear.

Sa sulok ng kanyang mga mata, nakita niyang saglit na sumulyap si Manding. Panakaw na tingin. Na para bang nahihiyang mahuli niyang tinitingna­n siya nito. A, mahal na birheng lalaki!

Humakbang siyang patungo sa CR. Mabagal. Parang nagbibilan­g ng mga hakbang. Ang talagang gusto niya, sumunod sa kanya si Manding at sabay silang maligo. Sana’y may gagawin pa siya para maihanda ng husto si Manding sa totoong labanan. Pero nakapasok siay ng CR nang walang Manding na sumunod. Ibig na niyang mainis.

Dati, tulad ng dalagang nayon, kung naliligo siya, hindi siya hubad na hubad. Iyon ay kahit tiyak niyang nag-iisa siya. Nakadaster siya at kumpleto sa pangloob. Nahihiya siya kahit tiyak niyang wala namang makakita sa kanya.

Kaylaki na ng kanyang ipinagbago. A, kaylaki ng nagagawa ng karanasan! Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines