Balita

Phoenix, babangon para sa PBA q’finals

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum ) 4:30 n.h. -- Globalport vs Phoenix 7:00 n.g. -- Ginebra vs Rain or Shine

MAKAHABOL para sa quarterfin­als ang tatangkain ng Phoenix Petroleum sa pagsagupa sa Globalport Batang Pier sa pagtatapos ng eliminatio­n round ngayon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 4:30 ng hapon ang salpukan ng Batang Pier at Fuel Masters bago ang tampok na laban sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine ganap na 7: 00 ng gabi.

Sa apat na koponang sasabak sa huling araw ng preliminar­ies, ang Phoenix lamang ang hindi pa siguradong pasok sa playoffs.

Kasalukuya­ng nasa ikapitong puwesto taglay ang barahang 4-6, kinakailan­gan ng Fuel Masters na makopo ang panalo upang makasiguro ng playoff berth para sa ikawalo at huling quarterfin­als slot.

Kapag nagwagi kontra Globalport, magtatabla sila sa markang 5-6, kasama ng TNT Katropa at Blackwater .

At kung magwawagi ang Rain or Shine, tatabla din sa kanila ang Barangay Ginebra sa barahang 5-6.

Sakaling magkaroon ng 5-way tie, reresolbah­in ito sa quotient kung saan ang pinakamaba­ba ang maagang mai- eliminate kasama ng Kia at Meralco habang paglalaban­an ng apat na matitira ang huling dalawang slots sa quarters.

Ngunit kung magwawagi naman ang Globalport at Ginebra, ang TNT at Blackwater na lamang ang mag- aagawan sa last quarterfin­als berth.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines