Balita

Ateneo booters, tumatag sa UAAP

-

BINOKYA ng defending champion Ateneo ang Adamson University, 2- 0, para sa solong kapit sa ikatlong puwesto sa UAAP Season 80 men’s football tournament nitong Huwebes sa Rizal Memorial Stadium.

Umabot sa ika-61 minuto ang aksiyon bago naitala ng Blue Eagles ang unang goal sa pamamagita­n nig free kick ni Julian Roxas.

Nalusutan ni Roxas ang depensa ng Adamson hanggang sa goalkeeper na si Carl Viray para sa unang puntos ng Ateneo.

Sinundan ito ni Ryan Haosen matapos ang mintis ni Jarvey Gayoso para selyuhan ang panalo.

Nauna rito, ginapi ng University of the Philippine­s ang De La Salle, 2-0, para sa ika16 puntos sa torneo.

Umangat ang Ateneo sa 12 puntos at makakahara­p ang Far Eastern University sa rematch ng nakalipas na season’s Finals sa Linggo.

Sa ipinamalas na katatagan ng Eagles, tiniyak ni coach JP Merida na makakasaba­y sila laban sa Tamaraws.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang performanc­e, especially on the attacking side. Nakaka-frustrate kahit nakuha namin ang three points,” sambit ni Merida.

“We are looking forward against FEU, which is one of the contenders. Sana hindi mangyari yung nangyari ngayon,” aniya.

Nanatiling matatag ang Fighting Maroons sa limang laro, at isang tabla, bunsod ng matatag na opensa nina Miggy Clariño at King Miyagi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines