Balita

R242- M EU aid OK sa ‘ Pinas

- Ni Beth Camia

Aalamin muna ng pamahalaan kung totoong walang kaakibat na kondisyon ang financial aid na alok ng European Union (EU), na aabot sa €3.8 million, o katumbas ng P241.6 milyon.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na aalamin niya muna kay National Economic Developmen­t Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia kung alin sa mga aid package ang sinabi nitong tatanggapi­n ng Pilipinas upang pondohan ang mga drug rehabilita­tion center sa bansa.

Una nang inihayag ni Stefano Maservisi, European Commission Director General for Internatio­nalCoopera­tionandDev­elopment, na idadaan nila sa Department of Health (DoH) ang nasabing pondo sa kabila ng tumanggi na ang gobyerno ng Pilipinas sa anumang tulong pinansiyal mula sa EU kung may kaakibat itong kondisyon.

Gayunman, nilinaw ni Maservisi na walang kapalit ang nasabing aid package, na naaayon sa framework ng Partnershi­p Cooperatio­n Agreement (PCA) na nagsusulon­g ng human rights at anticorrup­tion.

“I will have to check, baka naman kasi maraming mga aid packages ‘yan, baka naman iyong tinanggiha­n na ni Presidente is one form of aid package, at iyon, baka sinasabi ni Secretary Pernia, eh baka different aid package naman. So, I will find out,” ani Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines