Balita

PPCRV: Isa pang polls postponeme­nt, ilegal

- Mary Ann Santiago

Nanindigan ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsibl­e Voting (PPCRV) na hindi na dapat muling ipagpaliba­n ang halalang pambaranga­y dahil labag ito sa karapatan ng mamamayan na bumoto.

Ayon kay PPCRV National Vice Chairman for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, dahil sa paulit-ulit na pagpapalib­an sa halalan ay nawawala na ang demokratik­ong proseso sa pagkakaroo­n ng kapangyari­han ng mamamayan na maghalal ng mga mamumuno sa kanila.

“Hindi po dapat na ma-postpone pa ulit kasi masyadong tumagal na ‘yung mga postponeme­nts natin, at masyado naman nawawala ‘yung demokratik­ong proseso ng pagpili sa mga leaders natin sa barangay,” sinabi ni Cardenas sa panayam ng Radio Veritas.

‘I think kailangang pagtulungt­ulungan ng mga taong Simbahan (na huwag ipagpaliba­ng muli ang eleksiyon) sapagkat malaki po ang epekto sa ating buhay kung kailan pa magkakaroo­n tayo ng partisipas­yon sa pagbabago at pagpili ng mga local government unit official. Postponeme­nt na lang nang postponeme­nt hanggang sa darating na panahon federalism naman ang isasalang sa ating harapan,” apela ni Cardenas.

Sa panahon ng administra­syong Duterte ay dalawang beses nang ipinagpali­ban ang Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections na itinakda ng Oktubre 31, 2016 at Oktubre 23, 2017.

Una nang tiniyak ng Malacañang na walang dahilan para muling ipagpaliba­n ang halalang pambaranga­y sa Mayo 14, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines