Balita

Motorista ibinulagta ng tandem

- Hans Amancio

Patay ang isang lalaking motorista makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PO2 Wendham Dela Cruz ang biktima na si Jayson Basco, 40, ng 97 Sitio Balut, Tonsuya, Malabon City.

Base sa pahayag ng mga testigo, minamaneho ng biktima ang gray Honda CR-V (NA 56490) sa Road 10 malapit sa panulukan ng San Roque Street, Barangay 20, Zone 2, District 1, sa Tondo, bandang 12:53 ng hapon.

Biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabar­il ang biktima sa ulo, saka bumaba ang isa sa mga suspek at tinangay ang sling bag ni Basco.

Humarurot ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Patuloy ang imbestigas­yon ng Moriones- Tondo Police Station upang matukoy at maaresto ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines