Balita

Pabrika ng unan, 60 bahay naabo

- Orly L. Barcala

Hindi pa man nag-iinit ang selebrasyo­n ng “Fire Prevention Month” ngayong Marso, nilamon ng apoy ang isang pabrika ng unan at ang 60 bahay sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection ( BFP) ng Valenzuela Fire Station, sumiklab ang apoy sa isang pabrika ng unan sa Sitio Kabatuhan, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod, dakong 10:34 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy, umabot sa ikaapat na alarma, at nadamay ang mga bahay na pawang gawa sa light materials. Walang iniulat na nasaktan o namatay sa insidente habang tinatayang nasa mahigit P1 milyon ang halaga ng mga ari- ariang natupok.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines