Balita

6 na pekeng PDEA agents, nangotong kilala na

- Dhel Nazario

Kilala na ng Taguig City Police ang anim sa siyam na drug dealer suspect na nagpakilal­ang tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), ngunit lumitaw na hindi konektado sa nasabing ahensiya.

Kinilala ni Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, ang anim na suspek at target ngayon sa manhunt operations sina Ryan Bonn Dela Cruz, alyas “Mokong”; Noel Rosas alyas “Torio”; Mylene De Vera, alyas “May-May”; Aristotle Go Quintana; Anthony Ordoñez; at Ghakiez Tekma habang inaalam pa ang pagkakakil­anlan ng tatlong iba pa.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong kidnapping, robbery, usurpation of authority at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Abuse, Exploitati­on and Discrimina­tion Act.

Ayon kay Santos, ang mga natukoy ay pawang sangkot sa parehong insidente sa Barangay Ususan nitong Pebrero 4 at 18, dito nakunan sila ng closedcirc­uit television (CCTV) camera na nagpakilal­ang mga tauhan ng PDEA nang kumprontah­in ang isang lalaki sa isang eskinita at bigla ang paglabas ng tatlong lalaki bago siya inaresto.

Sinasabing puwersahan­g humingi ng pera mula sa tatlong biktima na nasa edad 11, 16, at 31.

Isa sa mga sasakyan ng mga suspek, ang Toyota Hilux (UGQ317), ang natagpuan sa Makati City at narekober sa loob ang P296,000 cash; isang ice pack; apat na pakete ng hinihinala­ng shabu; isang plaka ng sasakyan; isang posas; isang .30 caliber Carbine rifle; isang .45-caliber Glock pistol; dalawang cell phone; at handheld radios.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines