Balita

Holdaper dedo sa engkuwentr­o

- Orly L. Barcala

Isa sa dalawang holdaper, na sinasabing nambiktima ng call center agent, ang napatay ng mga pulis sa engkuwentr­o sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan City Police, ang suspek sa alyas na “Tangkad”, habang nakatakas naman ang kanyang kasama.

Sa salaysay ng biktimang si “Rina”, nag- aabang siya ng masasakyan sa kanto ng G. Tirona Street, Barangay 138 ng nasabing lungsod nang lapitan ng mga suspek na sakay sa motorsiklo at tinutukan siya ng baril sabay deklara ng holdap, dakong 2:00 ng madaling araw.

Dahil sa takot, napilitan si Rina na ibigay ang kanyang bag sa mga suspek na agad tumakas.

Nakahingi ng tulong ang biktima sa dalawang nakasibily­ang pulis na kapwa inireport sa pulisya ang insidente.

Makalipas ang ilang minuto, naabutan ang mga suspek sa kanto ng West Service Road, Bgy. 160 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Modequillo, bumunot ng baril si “Tangkad” kaya napilitan ang mga pulis na siya ay barilin.

Narekober sa suspek ang isang caliber .38 revolver, isang motorsiklo, at ang bag ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines