Balita

Ex-US Navy, arestado sa rape

- Mar T. Supnad

CAMP OLIVAS, Pampanga - Nakorner na rin ng pulisya ang isang retiradong tauhan ng U.S. Navy na nahaharap sa kasong panggagaha­sa sa Capas, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Ang suspek ay kinilala ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Amador Corpuz na si Rommel Navarro, na inaresto sa sa tinutuluya­n nito sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Tinukoy ng pulisya na si Navarro ay ikatlong most wanted person sa nasabing bayan.

Inaresto si Navarro sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court-Branch 66 sa Capas, sa kasong rape at walang inirekomen­dang piyansa ang hukuman para sa pansamanta­lang kalayaan nito.

Si Navarro ay pansamanta­lang nakakulong sa Bamban Police Station.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines