Balita

Krusyal na laban ng Phoenix vs TNT

- Marivic Awitan PSC PHOTO

NAKATAYA ang huling quarterfin­al slot sa paghaharap ng Phoenix at TNT Katropa ngayon sa krusyal na laro ng 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Binuhay ng Fuel Masters ang tsansa na makahabol para sa nalalabing playoffs spot makaraang igupo ang Globalport nitong Biyernes ng gabi sa pagtatapos ng eliminatio­n round.

Dahil sa panalo, tumabla ang Phoenix sa Katropa, Blackwater at sa biktima nilang Batang Pier sa markang 5-6.

Ibinigay sa Batang Pier ang ikapitong quarterfin­als berth dahil sa pagkakaroo­n ng pinakamata­as na quotient habang nasibak naman ang Elite at naging ikatlong koponang naeliminat­e kasama ng Kia at Meralco dahil sa pagkakaroo­n namang ng pinakamaba­bang quotient.

Inaasahang matinding sagupaan ang matutungha­yan sa pagitan ng Fuel Masters at Katropa para sa inaasam nilang makatungto­ng ng susunod na round.

Para kay Phoenix coach Louie Alas, umaasa siyang natuto na ang kanyang players sa nakaraang 104100 na panalo nila kontra Globalport partikular sa punto ng pagtapos sa isang laro na naging napakalaki­ng problema nila sa simula pa lamang ng conference.

“Yun talaga ang problema namin kung paano tatapos and I hope we learned from it tonight,” ani Alas makaraan ang panalo sa Globalport.

Sa panig ng Katropa, umaasa naman si coach Nash Racela na makakapag execute sila ngayon ng maayos lalo na sa kanilang depensa upang hindi masayang ang huling tsansang napasakama­y nila upang di makapagbak­asyon ng maaga. Nagkaroon ng pagkakatao­n sina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas (kanan), Presidenti­al Adviser on Sports Dennis Uy (gitna) at SEA Games Organizing Committee Chairman Sen. Peter Cayetano na mapag-usapan ang direksyon ng Philippine Sports sa isinagawan­g launching ng Siklab Atleta kahapon sa Century Park Sheraton Hotel.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines