Balita

BALITA, Best Tabloid sa 2nd GEMS Awards

- Ni DIANARA T. ALEGRE

GINAWARAN

ng parangal bilang Best Newspaper ( Tabloid) ang BALITA sa Ikalawang Gawad Parangal 2018 ng Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining, na ginanap sa Center for Performing Arts ng De La Salle Santiago Zorel, Ayala Alabang Village sa lungsod ng Muntinlupa, nitong Biyernes.

Kinilala naman si Dindo M. Balares, entertainm­ent editor ng pahayagang ito, bilang Best Newspaper Editor ( Entertainm­ent) sa prestihiyo­song gawad parangal.

Pinarangal­an din ang LIWAYWAY magasin ng Natatangin­g Hiyas ng Sining sa Panulat, ang pinakamata­as na pagkilala ng GEMS. Ang

BALITA at Liwayway ay parehong inililimba­g ng Manila Bulletin Publishing Corp.

Masiglang umakyat ng entablado ang mga dumalong editorial staff ng BALITA upang tanggapin ang plake at tropeo ng pagkilala bilang pinakanata­tangi sa lahat ng tabloids sa bansa, ganoon din ang mga kawani ng LIWAYWAY.

Sa kasaysayan, maraming beses nang kinilala at binigyang parangal ang BALITA. Sa loob ng 46 na taong paglilingk­od sa mga mambabasa, ni minsan ay hindi ito nagpahuli sa paghahatid ng pinakamaii­nit at pinakamaha­halagang balita at makabuluha­ng opinyon ng mga eksperto.

Simula nang lumipat ang tanggapan sa Manila Bulletin Publishing Corp. sa Intramuros mula sa dating opisina ng Liwayway Publishing, kinilala ang BALITA bilang Best Newspaper in Filipino ng Gawad Tanglaw sa loob ng limang taong magkakasun­od (2008 hanggang 2012). Dahil dito, BALITA rin ang pinarangal­an ng kauna-unahang Best Newspaper in Filipino Hall of Fame ng Gawad Tanglaw noong Marso

2013. Ang kasalukuya­ng mga kawani ng editoryal ng BALITA ay sina Jet Navarro-Hitosis, OIC; Edwin Rollon, sports editor; Ellaine Cal, Dianara Alegre, Bella Gamboa, Marichel ,

Rommel Tabbad, at DMB. Samantala, maraming beses na ring umakyat ng entablado si DMB, na home grown writer/ editor ng LIWAYWAY at BALITA. Sa loob ng tatlong taong magkakasun­od ay tinanghal siya bilang Best Entertainm­ent Columnist in Filipino (2012 hanggang 2014).

Gumawa siya ng kasaysayan noong Pebrero 2015, sa ika- 13 Gawad Tanglaw Awards, nang pagkalooba­n ng Natatangin­g Gawad Tanglaw sa Sining ng Panulat na katumbas ng Lifetime Achievemen­t Award.

“Sabi sa ‘kin ng discoverer ko na boss at editor namin noon sa LIWAYWAY, ‘Wag kang magpipigil ng galing. Sa mahuhusay na tao umaasa ang Diyos para maisaayos ang gusto Niyang ayusin sa mundo, hindi sa mahihina.’ Hindi rin pinigilan ng GEMS ang galing, kaya ngayong gabi, naririto, inipon ninyo ang pinakamahu­husay sa sining,” wika ng aming oragon na entertainm­ent editor nang tanggapin ang parangal sa kanya. Itinatag noong 2016 ni Norman Mauro

A. Llaguno, pangulo ng organisasy­on, ang GEMS ay samahan ng mga akademisya­n mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyuna­l galing sa mga pribadong institusyo­n at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral ng ilang prestihiyo­song kolehiyo at pamantasan. Kinikilala at binibigyan nila ng karangalan ang pinakamahu­husay na alagad ng sining sa larangan ng panulat, tanghalan, radyo, telebisyon at pelikula.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines