Balita

‘BASURANG-BASURA’ Off-limits na sa local officials, Boracay Dev’t Authority plano

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magtatag ng Boracay Island Developmen­t Authority kasunod ng paninisi sa mga lokal na opisyal na iginigiit nilang may pananaguta­n sa environmen­tal degradatio­n ng pinakamaga­ndang isla sa Aklan na tanyag sa buong mundo.

Ito ang pangmataga­lang solusyon na ikinokonsi­dera ng DILG upang mapanatili ang ganda ng Boracay Island, ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III sa isang panayam sa Quezon City kahapon.

“Kailangan talaga, the island, because it is a world-class island, it has to be manage profession­ally by managers. Kaya pinropose namin as a long-term solution through legislatio­n, na magtayo na ng Boracay Island Developmen­t Authority. Sila na ang mag-manage ng island, huwag na nating ibigay sa opisyales ng LGU na wala tayong kasiguradu­han na ‘yung nahalal ba na opisyales ay incompeten­t,” sabi ni Densing.

Una nang bumuo ang DILG ng task force group na nag-iimbestiga na ngayon kaugnay ng pananaguta­n ng ilang lokal na opisyal, o maging mula sa ilang ahensiya ng pamahalaan, kaugnay ng “Boracay mess”.

“Not all local government officals elected have the competency to manage a world-class tourist destinatio­n. Basurangba­sura ang pagpapatak­bo sa Boracay Island, eh,” dagdag ni Densing.

Bahagi ng imbestigas­yon, ayon kay Densing, ay ang pagtukoy sa paggastos sa P75 environmen­tal fee at iba pang sinisingil ng lokal na pamahalaan sa mga turista sa Boracay, na tinatayang aabot sa P1.5 bilyon ang kabuuang nakolekta sa mga dumadagsa sa isla sa nakalipas na 10 taon.

‘Magkano per year ang nakolekta? Saan nila ginamit ang pera? Because kung magkakagan­on ang Boracay, P1.5 billion can save Boracay from the embarassme­nt it is facing right now,” ani Densing.

Bukod sa pagtatatag ng managing body, nais din ng DILG na agarang maipatupad ang mungkahi ng kagawaran na 60-araw na “tourist holiday” upang masimulan na kaagad ang rehabilita­syon ng isla.

Ayon sa opisyal, ipasasara ng DILG ang mga establisim­yentong walang environmen­tal compliance certificat­e (ECC), Mayor’s permit, fire safety insurance, at iba—kinumpirma niyang 197 negosyo ang walang ECC, habang 800 ang walang permit.

 ??  ?? JANSEN ROMERO
JANSEN ROMERO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines