Balita

Grade 6 student patay sa ligaw na bala

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nagbuwis ng buhay ang isang Grade 6 student matapos tamaan ng ligaw na bala habang nakatayo sa sementong bakod sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Naisugod pa sa Tondo Medical Center si Aldrine C. Pineda, 13, ng Unit 309, Building 8, Katuparan, Vitas, Tondo, Maynila ngunit binawian din ng buhay dahil sa tumamang bala sa tiyan, kahapon ng madaling araw.

Samantala, inaalam na ng awtoridad kung sino ang responsabl­e sa pagpapaput­ok ng baril.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section, naganap ang insidente sa konkretong bakod ng Vitas Slaughterh­ouse sa Vitas, Tondo, dakong 8:00 ng gabi.

Nakaupo ang biktima katabi ang dalawang lalaki na umano’y kumaway at nang-asar sa isang lalaking may hawak na flashlight.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ang dalawang hindi pa nakikilala­ng lalaki at naiwan ang biktima. Patayo na ang biktima nang makarinig ng putok ng baril.

Agad umalis ang lalaking may hawak ng flashlight at pumasok sa slaughterh­ouse, habang nagawa pang makauwi ng biktima at nasabi pa sa kanyang ina ang nangyari ngunit nalagutan din ng ng hininga sa ospital makalipas ang walong oras.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines