Balita

7M pamilya may R200 buwanang ayuda

- Beth Camia

Tatanggap na ng bagong subsidy o financial support ang aabot sa pitong milyong mahihirap na pamilya sa bansa simula sa susunod na buwan.

Tiniyak ng Department of Finance (DoF) na aabot sa P200 kada buwan ang tatanggapi­n ng nasa 7.4 na milyong pamilya bilang pangontra sa epekto ng Tax Reforms for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law.

Nilinaw ni Finance Undersecre­tary Karl Kendrick Chua na ang financial support ay hiwalay pa sa conditiona­l cash transfer na natatangga­p ng mga benepisyar­yo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Tinawag ng DOF na “unconditio­nal cash transfer” ang nasabing benepisyo, dahil hindi katulad ng CCT program, wala itong kaakibat na kondisyon.

Unang makatatang­gap ng UCT ang nasa 4.4 na milyong 4Ps beneficiar­ies at nasa tatlong milyong senior citizen.

Kabuuang P2,400 para sa buong taon ang matatangga­p ng bawat kuwalipika­dong pamilya.

Pagsapit ng 2019, itataas sa P300 ang nasabing buwanang subsidiya, o may kabuuang P3,600 bawat taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines