Balita

Tagle sa nais mag-divorce: Isipin n’yo ang inyong anak

- Ni LESLIE ANN G. AQUINO

Umapela ang isang high ranking Church official sa mga magulang na ikonsidera ang kapakanan ng kanilang mga anak bago magdesisyo­n na habambuhay na babago sa kasal. Ipinahayag ito ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa gitna ng pagsusulon­g sa diborsiyo sa bansa. “My appeal to the couples is think not just of yourselves but also of the children,” sabi niya sa isang CBCP News post.

“They (children) are just at the stage of discoverin­g life. Consider also their sufferings and their capacity to absorb the burdens,” dagdag ni Tagle. Ipinagdiin­an ni Tagle ang ilang “tendencies” ngayon na ang isang maliit na problema na sumusubok sa pamilya, ang agad naiisip ay hiwalayan. Ngunit sinabi ni Tagle na ang pagsubok ay parte ng buhay may asawa.

“A perfect, smooth and seamless situation is an illusion,” aniya, idinagdag na ang kakayanan na resolbahin ang problema ay dapat maging parte ng buhay ng pamilya o ng isang samahan. Kamakailan lamang, bilang pagtuligsa sa diborsiyo, naglabas ng pastoral statement ang Catholic Bishops Conference of the Philippine­s Episcopal Commission on Family and Life. Sa pastoral statement, sinabi ng ECFL na “sanctity and dignity of marriage as a sacrament” na ki- nikilala rin ng Konstitusy­on. Ayon kay ECFL chairman and Lipa Archbishop Gilbert Garcera, karapatdap­at din ang mga bata na magkaroon ng tahanan kung saan namamayani ang pagmamahal­an, pagtitiwal­a, at pagpapataw­ad.

“They don’t want to see their parents quit because there are difficulti­es in their relationsh­ip. The sight of their parents perseverin­g together will always remain with them especially when they will have their own families,” sabi niya.

“Even in difficult marriages, children have benefited psychologi­cally, physically and spirituall­y,” dagdag ni Garcera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines