Balita

Malakas na ulan sa Boston, 5 patay

-

BOSTON (Reuters) – Sinalanta ng malakas na ulan ang hilagang silangan ng United States nitong Biyernes, na naging ng pagkamatay ng limang katao. Sinabayan ito ng hangin na may lakas na 80 milya kada oras (129 km per hour), at binaha ang mga kalye sa Boston at kinansela ang biyahe sa paliparan at tren sa iba’t ibang parte ng rehiyon.

Halos 1.7 milyong tahanan at negosyo ang walang nawalan ng kuryente sa Northeast at Midwest sa pananalasa ng ulan sa East Coast mula sa Virginia patungong Maine. Isinara rin ang government offices sa Washington sa paglakas ng hangin ng mahigit 60 mph (96 kph) sa U.S. capital.

“That one still looks like it’s going to be on target for at least moderate coastal flooding, which means we’re going to see some problems in Boston,” sabi ni Jim Hayes, meteorolog­ist ng Weather Prediction Center sa College Park, Maryland.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines