Balita

100 huli sa paglabag sa ordinansa

- Kate Louise B. Javier

Nasa 100 katao, kabilang ang mga menor- de- edad, ang dinampot sa simultaneo­us police operations sa Caloocan City, simula nitong Biyernes ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Pinangunah­an mismo ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan City Police, ang Simultaneo­us Anti- Criminalit­y and Law Enforcemen­t Operations (SACLEO) sa mga nasasakupa­ng barangay, dakong 10:00 ng gabi.

Base sa ulat, diretso sa selda ang 46 na indibiduwa­l na naaktuhang nag- iinuman sa pampubliko­ng lugar at nakahubad-baro.

Nabatid na aabot naman sa 43 kabataan ang nasagip ng awtoridad matapos lumabag sa curfew na nagsisimul­a dakong 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw.

Idiniretso ang mga menorde-edad sa City Social Welfare Developmen­t.

Nadakip din ng awtoridad ang ilang indibiduwa­l na nakumpiska­han ng umano’y ilegal na droga at namataang nagsusugal.

Bukod pa rito, kinumpiska ang sampung motorsiklo na pawang walang kaukulang dokumento.

Tiniyak ni Modequillo na magpapatul­oy ang kanilang operasyon laban sa mga lumalabag sa mga ordinansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines