Balita

2 ‘tulak’ timbuwang sa buy-bust

- Hans Amancio

Tumimbuwan­g ang dalawang hinihinala­ng tulak ng ilegal na droga makaraang makipagbar­ilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nagsagawa ng buy- bust operation ang mga tauhan ng Smokey Mountain Police Community Precinct, sa pangunguna ni Senior Insp. Dave Abarra kasama ang Station Drug Enforcemen­t Team sa pamumunuo ni Chief Insp. Manny Israel, laban kina “Jonathan” at “Jerby”, dakong 1:30 ng madaling araw.

Tumayong poseur buyer sina PO1 Christian Rico at PO1 Francisco Mendoza sa Marala Street, malapit sa panulukan ng H. Lopez St. Barangay 128, Balut, Tondo, sa Maynila.

Matapos matanggap ang droga, tinanggal ni PO1 Rico ang kanyang sombrero bilang hudyat sa mga aarestong pulis ngunit nakahalata umano ang mga suspek at bumunot ng baril at binaril ang una na masuwerten­g hindi tinamaan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Marala St. at tinangkang sumakay sa kanilang motorsiklo, ngunit nabaril hanggang sa napatay ng mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang dalawang .38 caliber revolver na may dalawang bala; dalawang basyo; pitong pakete ng hinihinala­ng shabu at isang Rusi Scooter (NC 72001).

Idiniretso ang mga ebidensiya sa Manila Police District- Crime Laboratory Office upang suriin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines