Balita

13 huli sa droga

- Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Nasa 13 katao ang inaresto ng pulisya sa magkahiwal­ay na lugar sa Barangay Bolbok, Batangas City, Batangas, kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni Supt. Wildemar Tiu, hepe ng pulisya, na unang naaresto ang 10 sa mga ito kahapon, dakong 1:00 ng madaling-araw.

Kabilang sa mga naaresto sina Arnold Hernandez, Noel Dimaculang­an, Gerardo Hernandez , Flordeliza Hosmillo, Rino Untiveros, Joseph Limbuangco, Rodel Ocampo, Joey Cruzat, Harijone Aya, at Christian Zaraspe, drug surrendere­r.

Nakumpiska umano ng mga operatiba ng City Drug Enforcemen­t Unit (CDU) ang pitong sachet ng pinaghihin­alaang shabu, cash at drug parapherna­lia.

Dakong 11:30 ng gabi nitong Biyernes nang maaresto rin sa buy-bust sina Etelbert Espino, 34; Edwin Preagola, 33; at Jerwin Guilles, 23, at nasamsaman umano ng apat na sachet ng shabu.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act) laban sa 13.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines